Ingat ka sa pag-alis mo

620 31 0
                                    

Ito ay para sa taong umalis sa buhay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ay para sa taong umalis sa buhay ko.

Ingat ka sa pag-alis mo.
Ingat ka sa paglalakbay mo.
Ingat ka sa paghahanap sa sarili mo na ginawa mong dahilan para iwan ako.

Marahil nagtataka ka kung bakit kita pinag-iingat sa mga bagay na 'to.
Ayaw ko kasing mahirapan yung taong naging dahilan ng pagsaya ko.
Ayaw kong maramdaman mo yung naramdaman ko nung iniwan mo 'ko.
Ayokong maranasan mo yung sakit na sukuan ka ng taong mahal mo.

Hindi ko hihilingin na singilin ka ng karma para sa'kin.
Sa halip, hihilingin ko na sana maging masaya ka kahit hindi na dahil sakin.
Dahil hindi porke nasaktan mo'ko ay dapat saktan ka na rin.
Hindi porket binaliwala mo ako ay dapat ka na ring balewalain.

Ayokong maranasan mo yung sakit na wasakin ng ibang tao yung sarili mong puso.
Ayokong umasa ka sa nakakakilig nilang pangako.
Ayokong maniwala ka sa mga katagang "Mamamatay ako 'pag nawala ka",dahil kung totoo 'yon bakit buhay ka pa.

Kaya mag-ingat ka.

Mag-ingat ka sa mapanlinlang na mga salita.
Mag-ingat ka sa mga dilang maliliit na nagsasabing "Mahal kita at hindi ako magsasawa" kasi masakit.
Masakit maniwala sa mga salitang nakakagago.

Pero masaya na 'ko.
Nag-iingat na ako.
Kaya paalam na sa'yo.
At ang huling bilin ko?
Mag-ingat ka sa mga katulad mo.

Rhythm of a Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon