Saang dako ka man magpunta
Sana ika'y maging masaya
Tanglaw ng mga mata
Ang paglayo mo sintaMagiging malakas ako
Para sa pagbabalik mo
Isasantabi ang pagsuko
Aasang muling mabubuoSa lugar kung saan mo ako nilisan
Lugar na magsisilbing muling tagpuan
Na kung sa araw ay 'di dumating
Hihitayin kita hanggang dilimTulad ng nararamdaman
Nakakabulag na kadiliman
Bumalik ka na kasi aking buwan
Pakiusap, labis kitang kailanganIkaw na aking bituin
Kailan ka kaya mahuhulog sa'kin?
Patuloy kitang hihintayin
Bumalik ka na sa'kin