Pait ng pag-ibig

20 1 0
                                    

Nanunuot sa tamis ang ating sumpaanAng pag-iibigan ay walang hanggananNgunit tila nag-iba ang ihip ng hanginSinasaksak ako ng mga salitang iyong binitawan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nanunuot sa tamis ang ating sumpaan
Ang pag-iibigan ay walang hangganan
Ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin
Sinasaksak ako ng mga salitang iyong binitawan

Mga salitang iyong binitawan
Natuldukan ang dating walang hangganan
Naging mapait ang matamis na sumpaan
Iniwan mo ako ng puno ng katanungan

Mga ala-alang patuloy akong sinasaksak
Kaya't ang mga luha'y patuloy na tumatagaktak
Mga luhang sinayang,kailangan ko ng punasan
Tanggapin na tuluyan mo na'kong iniwan

Sinaktan, at iniwang luhaan
Patuloy kong nilalaro ang mga katanungan
Mga katanungang di mo binigyan ng kasagutan
Pagka't iniwan mo'ko sa ere ng biglaan

Tila Mali ang pusong napana ni kupido
Ang akala kong mag-iingat ay siya palang dudurog nito
Mali ang mahalin ka ng wagas
Pagka't panukli mo'y pag-ibig na may wakas.

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now