Baka tayo pala talaga

88 8 1
                                    

Baka tayo pala talaga ang para sa isa't isa Baka may pag- asa tayong dalawaBaka hindi pa talaga ngayonDahil baka hindi pa ito ang panahon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Baka tayo pala talaga ang para sa isa't isa
Baka may pag- asa tayong dalawa
Baka hindi pa talaga ngayon
Dahil baka hindi pa ito ang panahon

Baka hindi mo lang ako makita
Baka hindi mo lang ako madama
Baka dapat habaan ko pa ang pasensiya
Sa paghihintay sayo sinta

Kailan kaya ako mapapansin?
Kailan kaya diringgin?
Ang mga panalangin
Baka bukas o makalawa, sa akin ka na rin nakatingin

Araw- araw umaasa,
Palaging nagbabaka sakali
Palaging hindi mapakali
Nagtatanong kung kailan naman tayo magiging pwede tayong dalawa, sinta

Minsan nakakapanghina na
Nakakagalit sa sarili
Bakit ba kasi siya pa?
Ah, baka nga naman siya pala talaga

Ako na ang tanga
Umaasa lagi sa wala
Hindi ko kasi maiwasang isipin
Na sana ako naman ang iyong mahalin

Isang kongkretong damdamin
Ang aking itinanim
Ang hindi ko lang alam
Luha pala ang aking aanihin

Dapat ko na sigurong putulin
Ang mga baka sakali sa puso't isipan
Wala ng mas masakit pang maranasan
Ang magmahal ng 'di masuklian

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now