Binibini at Ginoo

31 5 0
                                    

Sana all may jowa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sana all may jowa

Sana all pinapakilala

Sana all pinagmamalaki sa iba

Kadalasang linya ng mga taong walang jowa
Mga taong mas bitter pa sa ampalaya

Nakakatawa mang isipin
O nakakatawa mang sambitin
Ngunit yun ang kanilang hinanaing

Mga bagay na gusto nilang meron din sila
Mga bagay na nais maranasan nila
Kaya kadalasan minamadali nila

Mga bagay na kinapapahamak nila
Mga bagay na minsa'y kanilang ikinasasakit pa
Mga bagay na mali na pala

Binibini at Ginoo,
Hindi masamang magmahal ng totoo
Ngunit sana ilagay natin sa wasto
Huwag nating pairalin ang tukso
Wag nating pangunahan ang kapalaran mo

Dahil kung patuloy ka magpupumiglas
Puso mo'y magkaka lagas-lagas
Dahil lahat ng bagay ay may tamang oras
Kaya hindi mo kailangan kumaripas

Matuto kang umupo
Matuto kang maghintay ng para sayo
Upang ika'y hindi maloko

Sa tamang oras
May taong ibibigay sayo
Taong magmamahal ng katulad mo
Taong uunawa't iintindi sa ugali mo
At taong mag-aalaga't magpapahalaga sayo
Ang tamang taong inilaan para sayo.

Hindi masamang maghintay
Kaya huwag kang bumigay
At akalain sayo'y wala ng gagabay
At wala ng makakasama sa buhay

Huwag mong madaliin
Bagkus iyong ipanalangin
Na makatagpo ka ng totoong iibigin
Yung taong hindi ka papaiyakin.

Dahil,
May darating para sa atin
Huwag mo lang madaliin.

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now