Pagbabago

17 2 0
                                    

Wala talagang siguradoLahat maaring magbagoKahit sa isang segundo'Yong dati mong mundoKisap-mata biglang maglalaho

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.

Wala talagang sigurado
Lahat maaring magbago
Kahit sa isang segundo
'Yong dati mong mundo
Kisap-mata biglang maglalaho

Mga salitang nagsimula sa mga pangako
Natapos sa pagsusumamo
Sa mga tanong na ano?
Karugtong ang salitang paano?

Parang kandilang sinindihan mo
Unti-unting natunaw sayo
Hinintay mong maubos ako
Pinaasang merong tayo

Sa gitna ng ating kwento
Mag isa nalang pala ako
Hinihintay pa naman kita sa dulo
Iniwan mo na walang sumalo

Sige, ako na mismo ang talo
Sa larong ikaw ang pinili ko
Na akala ko sabay nating binuo.

Rhythm of a Broken Heart Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt