Matang Mapanlinlang

19 2 2
                                    

Matang kay saya kung iyong titignanNgunit sa likod ng kanyang masayahing mga mata,Ay ang mata niyang luhaan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matang kay saya kung iyong titignan
Ngunit sa likod ng kanyang masayahing mga mata,
Ay ang mata niyang luhaan.

Napakalakas kung siya'y tumawa,
Ngunit sa likod ng kanyang mga tawa
Ay sigaw ng pighating kanyang dinadala.

Labing kay laki ang ngiti
Ngunit sa likod ng bawat ngiti
Ay labing pinipilit lamang ngumiti.

Sa likod ng bawat ngiti at tawang kay lakas
Ay ang tinatago niyang problemang kanyang dinaranas
Ngunit sa bawat pagpapanggap na kanyang ginagawa
Masasabi kong siya ay malakas.

Dahil hindi niya inisip na siya ay susuko na lamang
Sa bawat problemang dinaraanan
Siya ay nadadapa ngunit sa huli
Siya ay tatayong muli
Upang labanan ang mga problemang
Dumating at dadating pa lamang.

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now