Maling akala

33 2 0
                                    

Napansin ko ang closeness nating dalawaUmabot na nga 'yon na parang tayo naYung lagi na lang tayo ang magkasamaYung lagi na lang tayo ang magka usap na dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napansin ko ang closeness nating dalawa
Umabot na nga 'yon na parang tayo na
Yung lagi na lang tayo ang magkasama
Yung lagi na lang tayo ang magka usap na dalawa.
Yung lagi na lang tayo ang sabay na tumatawa.

Umabot sa punto na ako'y nahulog na.
Nahulog na sa mga mapanlinlang mong salita.
Sa mga kilos mong lagi ko nalang binibigyan ng malisya.

Nagbigay ka ng motibo para ika'y magustuhan
Nagbigay ka ng motibo para ika'y mahalin ng tuluyan
Nagbigy ka ng motibo para hindi ka pakawalan
Nagbigay ka ng motibo para ikaw ay aking iyakan.

Nagustuhan kita kasi akala ko gusto mo din ako
Minahal ka ng tuluyan kasi sayo umikot ang aking mundo
Iniyakan kita kasi akala ko ako'y mapapansin mo
But now I realized na para ka palang bato, kasi ang manhid manhid mo.

Maling akala na sasabihin mong ako'y mahal mo din
Maling akala na lahat ng pangako mo ay kaya mong tuparin
Akala ko pag ika'y minahal ko, ako'y mamahalin mo rin
Maling akala lang pala na ika'y magiging akin

Siguro kailangan kong uminom ng sampung alaxan para sa puso kong iyong sinaktan.
Siguro kailangan kong pumunta sa Mcdo para makamove on at ika'y malimutan
Siguro kailangan ko ng pinipig para sa puso kong pinakilig, pinaibig, sinaktan at ngayo'y parang baliw na naguguluhan.
At siguro kailangan ko ng kalimutan ang isang kaibigan, na nagbigay sakin ng masalimuot at malungkot na nakaraan.

Pinakilig, sa di malamang dahilan
Pina-ibig, ng wala namang katotohanan
Pinaasa, at ako'y iyong iniwanan
Nagpaliwanag at sinabing "Di ba't tayo'y magkaibigan lang naman".

Ang puso kong noon ay masigla, ngayon napuno ng emosyon at pagdurusa
Bawat pahina ng aking istorya ay biglang naglaho kasama ang mga alaala
Ngayon hindi na muling magpapakatanga at hahabol sa kanya
Dahil natutunan kong, "Masakit maniwala sa isang mapanlinlang na MALING AKALA".

Rhythm of a Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon