Pinagtagpo lang

24 2 0
                                    

Isang umaga May biglaang bisitaMapagbirong tadhanaAko'y nadala

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Isang umaga
May biglaang bisita
Mapagbirong tadhana
Ako'y nadala

Kumatok ka sa aking pintuan
Ako'y biglang naguluhan
Bubuksan ko ba para pakisamhan,
O piliting umalis at ipagtabuyan?

Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran
Ako'y nasalisi at naisahan,
Nakapasok ka na pala ng 'di ko namalayan
Natulala, 'madaya', naiusal ko na lang

Tuluyan mo ng nakuha ang loob ko
Sobrang galak sa bawat tagpo
Hanggang sa ikaw na ang laging laman
Ng aking puso't isipan

Ngunit panandalian lang pala
Tayo pala ay isa lamang piyesa
Sa larong ginawa ng tadhana
Tayo ang apektado, tayo ang talo

Sa bawat sulong, tayo ang nasasaktan
Sa bawat urong, tayo ang nahihirapan

Gustuhin man pero wala ng makapitan
Pinagtagpo pero tadhana ang kalaban
Tayo ang una pero hindi ang huli
Dumating ka pero hindi para mananatili.

Rhythm of a Broken Heart Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora