Kaibigan lang pala

61 6 0
                                    

Dedicated to: Ma

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dedicated to: Ma. Veronica Rosario

Mahirap mahulog sa isang kaibigan,
Sa kaibigan na lagi mong kasama sa masasayang tawanan,
Sa kaibigan mong kasama mo sa maraming kalokohan,
Sa kaibigan mong nakangako sa'yo na hindi ka iiwanan.

Pero paano na nahulog na
Ang puso ko'y biglang tumibok dahil andyan ka
Pintig ng puso ko'y bumilis di na mapigil pa,
Teh,gusto ko na atang sabihing mahal kita!

Hindi ko sinasadyang mahulog ako sayo,
Hindi ko alam na ako'y pinana na pala ni kupido,
Palaso niyang tumusok sa puso ko,
Paano ko ba aaminin sayo ang totoo.

Pero nahihirapan akong aminin
Ang nilalaman nitong aking damdamin
Pag-tingin ko na di ko kayang sabihin
Paglilihim sayo, akin pa bang kakayanin.

Hanggang kailan pa ba ako maglilihim?
Hanggang kailangan kailan ba kita mamahalin ng palihim?
Hanggang kailan ba ako magmamasaid sayo muna sa dilim?
Dapat na bang sabihin ang aking kinikimkim?

Natatakot ako na umamin syo
Na mahal kita itaga mo pa sa bato
Pero alam kong kaibigan mo lang ako
Sana sa ating dalawa'y walang magbago.

Bakit ba kasi ang hirap mainlove sa isang kaibigan
Bakit ba kasi sa bestfriend ko pa ako tinamaan
Pero wala na akong magagawa sa aking kahibangan
Dahil ang puso ko'y nahulog na sa tropa ko ng tuluyan.

Hindi ko mang masabing mahal kita
Kaya ko namang iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga,
Panulat na bellpen mawala man nang tinta,
Sa mga mata ko ikaw parin ang pinakamahalaga.

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now