Bangon na

42 5 0
                                    

Bangon na, ano ka ba Ang araw ay tirik naTulog mantika ka talagaHindi ka aasenso kapag ganyan ka

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bangon na, ano ka ba
Ang araw ay tirik na
Tulog mantika ka talaga
Hindi ka aasenso kapag ganyan ka

Wala kang mapapala
Hindi habambuhay ganyan ay ganyan ka
Kailangan mong matuto
Na mabuhay sa iba't-ibang anggulo

Para kapag umikot man ang gulong
Alam mo kung paano susulong
Kailangan mong makipagsapalaran
Kapag may gusto, dapat paghirapan

Walang permanente sa mundo
May darating, may maglalaho
May tutulong, may dadaan para manggulo
Lahat pwedeng madehado

Mabuti ng handa sa bawat oras
Diyos lamang ang patas
Hindi ang tao o kahit ang batas
Hindi lang sa gubat nakatira ang ahas

Kundi ang mga taong walang magawa
Kundi hanapan ng butas ang kapwa
Para siya naman ang makalaya.

Imulat mo ang iyong mata
Bumangon ka na kaibigan
Simulan na ang hakbang
Sarili mo ang alas sa laban.

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now