Darling, Nasaan ka na?

19 2 0
                                    

Ang bawat araw ay may oras na binibilang At ang bawat ako, ay nag iisip kung saan nga ba ako nagkulangDahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit mo ako binitawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang bawat araw ay may oras na binibilang
At ang bawat ako, ay nag iisip kung saan nga ba ako nagkulang
Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit mo ako binitawan

Nasaan kana?

Mga salitang paulit-ulit kung isinisigaw habang umiiyak ako nang mag isa
Iniwan mo ako sa gitna ng laban nating dalawa
At hinayaan mong bumagsak ang luha kong pumapatak habang ako'y nagpapanggap na hindi ako umiiyak

Nasaan ka na?

Sana nag sabi ka man lang sakin na aalis ka na pala at kung babalik ka pa ba
Dahil hindi na biro ang sakit na nadarama ng iniwan mo akong mag isa
Naging marupok ako kasi hinihintay kita kahit alam kung malabo na o posible pa ba

Pero pasensya ka na
Kasi mas gugustuhin kong maghintay kaysa sa maghanap ako ng iba.

Wala akong ibang hinangad kundi ang bumalik ka
Litrato mo na lang ang nagsisilbing alaala nating dalawa
At nakakalungkot lang talagang isipin na sa panaginip nalang kita palaging nakikita

Kung nasaan kaman ngayon sana ay matuntun mo ang daan pabalik kung saan mo ako iniwan noon
Dahil di ko kayang kalimutan ka at hindi pa ako handang tapusin ang sinimulan nating relasyon
Kaya sana kung may balak ka mang bumalik kahit alam kung malabo na ay tatanggapin parin kita
Kahit na napipilitan ka pa kasi mahal na mahal kita.

Rhythm of a Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon