Bakit nga ba?

24 4 0
                                    

Bakit nga ba? Tila ako'y 'di na nadala Puso ko'y laging luhaan, Palagi nalang nasasaktan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit nga ba?
Tila ako'y 'di na nadala
Puso ko'y laging luhaan,
Palagi nalang nasasaktan

Mga mata'y namumugto,
Damdamin ay naninibugho
Isipa'y  gulong gulo,
Mundo'y guhong guho

     Hindi ko lubos maunawaan,
     Bakit nga ba ako'y iyong iniwan?
     Sawa na akong masaktan,
     Sana'y wala nalang maramdaman

     Bakit nga ba?
     Tila ako'y 'di na nadala
     Minahal naman kita ng tunay,
     Ngunit sinuklian mo ito ng pagkalumbay

     Masaya naman tayo nung una,
     Pero bakit bigla ka nalang nag-iba?
     Sawa ka na ba talaga?
     O baka naman nakahanap ka lang ng iba?

     Nangako ka pa naman sana,
     Na hanggang dulo tayo'y magsasama
     Pero hangang pangako nalang pala,
     Dahil ang pangakong 'yon ay napako na.

Rhythm of a Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon