Sana pwede pa

304 16 0
                                    

Maaari bang maging panaginip ang lahat?Maaari bang mabura ang malalim na sugat?Maaari pa bang maibalik ka?Maaari ba tayong bumalik sa umpisa?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maaari bang maging panaginip ang lahat?
Maaari bang mabura ang malalim na sugat?
Maaari pa bang maibalik ka?
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa?

Pwede bang maglaho ang galit?
Pwede bang gawing matamis ang mapait?
Pwede mo ba akong tingnan sa mata?
Pwede bang yakapin pa ulit kita?

Alam kong nakakahibang ang aking katanungan.
Alam kong hindi na maibabalik ang mga nasayang.
Dahil alam kong wala na tayong babalikan.
Sirang sira na ang ating pagmamahalan.

Pero sana kahit isang araw lang.
Maaari ba kitang makatabi sa upuan?
Sa tapat ng mga dahong nagsasayawan.
Habang ang mga kamay mo ay aking hinahawakan.

Pangako hindi ko sasayangin ang mga sandali.
Dahil alam kong hindi na ito mauulit muli.
Tatawa ako nang kasama ka.
At iiyak rin habang tinitingnan ka.

Wala lang, ang dami lang nating sinayang.
Dahil sa mga hindi matapos na bangayan at tampuhan.
Natatawa na lang ako hindi dahil masaya ako.
Kundi hindi dahil nawawarak ang pagkatao ko.

Puro na lang ako "maaari" at "pwede ba"
Kahit alam ko namang malabo na talaga.
Pero kung may pagkakataon pa talaga.
Tatanungin ko kung maari bang makapiling pa ulit kita.

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now