Kailan kaya matatapos?

38 4 0
                                    

Sa bawat pagpatak ng luha,Inilalabas ang sakit na nadaramaHapdi, kirot at pagsusumamo ng pusoKailan kaya matatapos ito?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa bawat pagpatak ng luha,
Inilalabas ang sakit na nadarama
Hapdi, kirot at pagsusumamo ng puso
Kailan kaya matatapos ito?

Sa tuwing mata ay ipipikit,
Walang humpay na paghikbi ang naririnig
Oo, nakakapagod pero,
Magpapahinga lamang at hindi susuko

Sa bawat gabing dumaraan,
Mga alaala pa din natin ang napapanaginipan
Ang luhang tumutulo
Kailan kaya matatapos ito?

Sa tuwing mata ay ididilat,
Sakit na nadarama sa mukha'y bumabakat
Ayoko na sana pero, naisip ko na
Matutulog lamang at lalaban pa

Sa bawat araw na lumilipas,
Wala pa ring pagmamahal na nababawas
Ang sakit na ito,
Kailan kaya matatapos ito?

Alam kong ayaw mo na at ako na lang ang nagpupumilit pa sayo
Nagpupumilit na hagkan pa din ng 'yong mga bisig
Kahit na alam kong iba na ang tinitibok ng dibdib, at nasa kanya na ang iyong pag-ibig.

Rhythm of a Broken Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon