Ingat ka, darling

57 4 0
                                    

Ingat ka, darling! Salitang walang humpay kong sinasabi sayo noon,Na nais ko pa ring sabihin kung may pagkakataon,Paalalang nakakakilig noong isang kahapon,Na marahil iba na ang nagsasabi ngayon

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Ingat ka, darling!
Salitang walang humpay kong sinasabi sayo noon,
Na nais ko pa ring sabihin kung may pagkakataon,
Paalalang nakakakilig noong isang kahapon,
Na marahil iba na ang nagsasabi ngayon.

Ingat ka, darling!
Sa lahat ng gagawin mong hakbang at lakad,
Sa lahat ng desisyong iyong hinahangad,
Sana ikaw ay maayos at masaya,
Dahil doon pa lang sa akin ay ayos na.

Ingat ka, ha?
Kahit di na ako ang magsasabi nito,
Kahit di na ako ang dahilan ng pag-iingat mo,
Sana mag-iingat ka pa rin darling ko,
Dahil hanggang ngayon ako parin ay nag-aalala para sayo.

Ingatan mo.
Payo at paalala ko sa bago mo,
Na sana ay mapunan niya ang mga pagkukulang ko sayo,
Ingatan ka sana ng taong minamahal mo,
Kagaya ng pag-iingat ko nung ako pa ang mahal mo.

Ingat.
Sa sarili ko na muling magmamahal,
Sana makakapili na ng taong hindi ako gagawing hangal,
Na lahat ng paraan ay maari niyang isugal,
Para lamang relasyon namin ay magtagal.

Ingat, darling ko.
Sa paglakbay mong hindi na ako ang kasama mo,
Sa pagtawa na iba na ang dahilan nito
Sa pagpapakilig na ako ang nakakagawa sayo,
Ingatan mo sana sarili mo kahit na ako'y nasira mo.

Mahal pa din kita hanggang sa dulo.

Rhythm of a Broken Heart Donde viven las historias. Descúbrelo ahora