Laban lang, sis!

33 1 0
                                    

Isang bangungot ang malunod kaIsang kamatayan ang madapa kaIsang pagdurusa ang pag-iyak moIsang kahihiyan ang sumuko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isang bangungot ang malunod ka
Isang kamatayan ang madapa ka
Isang pagdurusa ang pag-iyak mo
Isang kahihiyan ang sumuko

Sa kabila ng lahat,naisip mo ba?
Na dapat maging matatag ka
Na manatili kang maging matapang
Kahit na ikaw ay may pag-aalinlangan

Masakit isiping kapag nalulunod ka
At kailangan mo ng sasagip sa'yo
Bigla kang tatalikuran ng iba
Kahit alam na nilang di mo na kaya

Ang tanong ko lang
Lalaban ka pa ba?
Lalaban ka pa ba kahit wala na sila?
Magpapatuloy ka pa ba kahit pagod ka na?

Dapat ang sagot mo ay "Oo"
Dahil ang paglaban ay para sa'yo
Para sa pag-unlad mo bilang tao
Kahit parang tinalikuran ka na ng buong mundo

Pakaisipin mong mahalaga ang buhay
At importante rin ang pagninilaynilay
Kung di mo na kaya't suko ka na
Edi magpahinga ka muna

Tandaan mong gaya ka ng isang sundalo
Lalaban dapat hanggang dulo
Hindi hihinto kahit masugatan
Pipiliing manalo kahit nahihirapan.

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now