Pwede pa, pero hindi na

26 2 0
                                    

Pwede mong tanggalin ang sapin sa iyong kama,pero hindi ang naiwan nitong mantsa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pwede mong tanggalin ang sapin sa iyong kama,
pero hindi ang naiwan nitong mantsa

Pwede mong inumin ang tinimpla mong kape kahit tumagal na, pero hindi mo na maibabalik ang init nito kapag ito'y lumamig na

Pwede mong burahin ang lapis kapag ito'y sinulat mona, pero makikita mo parin ang naiwang marka kung saan mo ito binura

Pwede mong pakinggan ang isang kanta kahit paulit-ulit pa, pero hindi mo mababago ang liriko at mensahe nitong dala

Pwede mong sirain ang laruan kapag ito'y buo pa,
pero hindi mo na ito maayos kagaya ng dati nyang itsura nung buo pa sya

Pwede kang ngumiti kahit malungkot ka, pero hindi mo pwedeng pigilan ang luha kapag ito'y tumulo na

Ang gusto ko lang namang sabihin,
na pwedeng wala na ang taong minahal mo ng sobra, pero hindi ang sakit at alaalang dinulot nya.

Pwede pa, pero hindi na.

Rhythm of a Broken Heart Where stories live. Discover now