Chapter 1

6.8K 118 5
                                    

'' so........ saan naman tayo sa susunod althea? '' tanong ni batchi sa kaibigan habang naglalakad patungo sa sakayan ng bus.

Wala naman naging tugon ang dalaga na nakakunot ang noo at nag iisip. Nabalot ang gabi ng katahimikan at  tanging ang mga ilaw sa gilid ng kalsada at gamo gamo ang matyagang nag uusap usap. Isama mo pa ang dalawang asong ulol na nagkakahulan nang magkaharapan.

Nakailang buntong hininga na ang kaibigan ni althea na hanggang ngayon ay naghihintay sa sagot ng dalaga. Napag diskitahan na lang tuloy ang dala dalang gown na nabili nila sa ukay ukay nung nakaraang araw. Lingon sa gilid at likod, sipa ng sapatos paunahan habang nagngunguya ng chewing gum na ang brand ay I Cool ang sunod na ginawa ni batchi.

Napapitlag si batchi ng biglang nagsalita si althea na akala mo ay may kalaban sa taas ng boses.

'' sayang talaga batchi, yun na sana sasagot ko eh, nagdalawang isip pa ako. Ay di sana ako yung nanalo na Miss Magayon tsk! ''

'' ano ba --- ''

'' SAYANG TALAGA!!! '' napasuntok pa ito sa hangin habang nakatingin sa kawalan.

'' Ano ba althea, basta basta ka na lang nagsasalita at sumusuntok, kanina tinatanong kita hindi ka umiimik tapos nga--- '' naputol na naman ni althea ang sasabihin ng kasama.

'' SAYANG TALAGA! '' 

Napagtanto ni batchi na hindi sa kanya nakikinig ang kaibigan at nagsasalita lang mag isa. Madalas ganito ang dalaga lalo na sa mga pagkakataon na natatalo siya sa mga paligsahan na sinasalihan.

Mula sa lugar ng dalaga ay apat na oras ang layo ng San Isidro ang lugar kung saan sumali ng patimpalak sa pagandahan itong ating bida.

Dahil nawiwirduhan na si batchi sa inaasal ng kaibigan. Naisip niya na hilahin ang buhok nito.

'' Araaaaaay batchi naman ba't mo yun ginawa?! '' reklamo ni althea habang hawak hawak ang kanyang ulo. Halos mangiyak rin sa sobrang sakit. Napatigil sila sa paglalakad.

'' oh ay di gising ka na ngayon? takte naman althea kanina pa ako dito salita ng salita ah, para na akong timang. May tinatanong ako hindi mo sinasagot at puro ka sayang ng sayang. Ano ba? sa kyut kong 'to mapagkakamalan lang akong baliw? ''

Napangiti na lang ang dalaga sa turan ng kanyang kaibigan. Batchi is a butch, matagal na silang magkaibigan ni althea. Sa bawat raket ng dalaga ay kasa- kasama niya ang kaibigan. Umulan man o umaraw.

'' eh sayang naman talaga tatlong libo din yun. Dalawang linggong panggastos na rin sa bahay '' napanguso si althea at nalungkot ng tuluyan ng maalala na sa susunod na araw ay papasok na sila sa eskwelahan. Naisip niya na imbes sana maghanap siya ng pagkakakitaan ay ilalaan niya pa ang oras at panahon sa libro at pagsusulat.

Tiningnan niya si batchi na puno ng agam agam.

'' ano yun?! '' astig na sambit ni batchi. Pinalubo at pinaputok ang chewing gum sa kanyang bibig.

'' huwag na kaya akong pumasok ng 4th year ''

Pak! 

Isang batok ang natamo ng dalaga at impit na napa aray.

'' Batchi sumusobra ka na ha, huwag mong kalimutan na mas matangkad at malaki ako sayo ''

'' kahit pa sabihan mo akong dwende wala akong pakialam, tama lang na batukan kita. Are you out of your mind......''

'' wow englis '' putol ni althea. Tatawa tawa ito sa kaibigan sabay kindat naman nung isa.

'' ano ba althea seryoso ako (pabebeng boses). Ahem! seryoso nga dude, wag ka mag isip na hindi mag aral at tapusin ang highschool. Mahalaga ang diploma. Wala kang magiging maayos na trabaho kapag wala kang ganun klaseng papeles. ''

'' RETASO ''Where stories live. Discover now