Chapter 39

845 36 0
                                    

Love is when the other's person happiness  is more important than your own

***

Kinaumagahan...

Kinapa ni althea ang katabi upang maramdaman muli ang init ng minamahal. Nadismaya ito ng mapag alaman na wala na sa tabi niya si jade. Naliligo na ito dahil rinig niya ang pagbuhos ng shower sa banyo. Ikinusot kusot niya ang kanyang mga mata para makapag adjust sa liwanag ng araw na sumisilip na sa bintana ng kwarto.

Pinakiramdaman muna ni althea ang paligid at tumunganga. Wala siyang marinig na ingay bukod sa pagbagsak ng tubig sa sahig at ang tunog ng aircon. Itinaas niya hanggang leeg ang comforter at muling ipinikit ang mga mata. Maya maya pa ay narinig na niya ang paglabas ni jade mula sa banyo.

Pagkabukas niya ng kanyang mga mata ay nagulat ngunit napangiti ng katapat na niya ang mukha ng nobya. Jade is smiling radiantly, nakapagpadagdag pa dito ang amoy rosas niyang sabon at shampoo at ang medyo tumutulo pang tubig sa buhok. Kinikilig si althea na hindi maintindihan.

'' goodmorning love '' bati nito sabay dampi ng malamig niyang labi kontra sa mainit na labi nitong isa.

Isang mabilis na halik lang ang naganap pero pinamulahan ang dalagang si althea. Napansin ito ni jade kaya sinimulan niya itong tuksuhin.

'' uy may kinikilig '' nangingiti nitong turan.

Tumayo na ito ng tuwid, tinungo ang closet atsaka nagsimulang magbihis.

'' sinong kinikilig? '' pagkunwa'y naman nitong isa. Sumulyap si jade sa nobya, nagkibit balikat at ngumiti.

'' you tell me '' saad niya saka nagpatuloy sa pagbibihis.

Bumangon na rin si althea at umupo sa kama.

'' Ikaw? ''

'' ako? hmmm don't think so '' tatawa tawa pa rin si jade.

Nakasuot na ng pantalon ang dalaga bilang paghahanda sa pagpasok. Tinanggal niya ang roba at humarap sa nobya na wala pang suot pang itaas maliban sa itim na bra. Parang wala lang ito kay jade, pero para kay althea sinimulan na siyang silaban.

Naglakad si jade tungo sa vanity mirror at umupo, nagsimulang maglagay ng make up at nag ayos. Nasa gitna siya ng ginagawang ritwal ng mapansin mula sa salamin na nakatitig sa kanya ang nobya. Napapalunok pa ito sa kanyang nakikita. Lihim na nagbubunyi ang kalooban ni jade sa epekto niya kay althea. Pinigilan niyang makagawa ng kahit ano mang ingay na makapagpapaalam kay althea na tinitingnan niya kung papano siya pagnasahan nito. Nangiti na lang si jade.

Isang malakas na katok sa pinto ang nagpatigil sa dalawang dalaga.

'' Anak are you awake? I'm coming in ''

Agad umayos ng upo si althea at nagbihis ng pang itaas si jade. Nagulat si amanda nang madatnan si althea sa kwarto ng anak. Nagtaka kasi ito kung papano at kailan pa siya nandito, hanggang sa naisip niya ang pagmamadali ng anak kagabi. Siguro ay sinundo si althea. Pansin na rin ng mag asawa o kahit ng mga kaibigan nila na pagdating kay althea tinalo pa ni jade ang green light at nahiya ang red at orange light ng traffic light sa kalsada.

'' althea nandito ka pala '' anya ni amanda.

Tumayo ang dalaga at bumati

'' magandang umaga po tita ''

Gustuhin man niyang lumapit at magbeso ay hindi niya kayang gawin, hindi pa kasi siya nag freshen up. Pinaalam niya na lang ito kay amanda. Natawa lang naman ang huling pangalang nabanggit. Dumiretso siya kay jade na abala pa din sa pagkilay.

'' RETASO ''Where stories live. Discover now