Chapter 12

1.1K 44 0
                                    

Jade :

After that certain singing contest, na kahit nahihiya talaga ako mag cheer pero ginawa ko for her. I know may nagbago. Hindi ko alam kung ano pero alam ko meron.

Ang pagsuporta ko sa kanya ay nakagawian ko na, parang household chores na kailangan kong gawin at huwag ng ipagpabukas pa. I see to it that i'll always attend to her contest. She really got a talent, that's why I'm furious and petrified kahit palihim lang sa tuwing hindi siya nananalo. Sino ba naman ang hindi maiinis she's doing her best pero ang bias ng mga judges.

Pero nasa kanya na ata ang lahat ng positivity, hindi nawawalan ng pag asa eh. That's one thing I like about her. She's not giving up easily. At sabi nga all efforts will be rewarded and she got it. Nanalo siya last night, finally. Ang saya saya namin talaga with her friends na kaibigan ko na din ngayon. Kahit gipit ang pamilya nila nagawa niya kaming ilibre. Celebration naman daw. Once in a blue moon will do.

And now, dahil sabado naman. I invited her to go out. Yung kami lang dalawa. I have something to give to her na tiyak magugustuhan niya.

'' ano ang gagawin natin dito jade? mukhang hindi dito nababagay ang suot ko ''

Tiningnan ko ang suot niya, naka pants naman siya, nice shoes at shirt.

'' what's wrong? you look decent naman kaya, tara madali lang tayo may kukunin lang ako ''

Hinawakan ko na ang braso niya, halatang naiilang dahil nasa parte kami ng mall na puro mamamahalin ang tinda. Pumasok kami sa store na punong puno ng mga instrumento na pang musika. Nanlaki ang mga mata ni althea when she saw a cute guitar displayed. Lumapit ito at tiningnan ang gitara.

She look for the price, at hindi niya pa nahahawakan ay itinago na niya agad ang kamay niya sa bulsa.

'' miss jade nandito na po pala kayo, kukunin niyo na po ba? '' tanong ni mr fritz ang manager ng store.

'' yes please,  '' sagot ko.

Tumalikod ito at kinuha ang materyal na tinutukoy niya.

'' here you go '' inabot niya sa akin.

'' thank you mr fritz '' I smiled.

'' You're welcome miss jade, see you next time ''

Tumango ako at eksakto ang paglapit sa akin ni althea na kanina pa tingin ng tingin ng instrumento.

'' wow bumili ka? I didn't know you  play guitar '' sabi niya.

'' It's a treasure ''

'' treasure? you mean hidden? '' she creased her forehead.

'' haha, just kidding I don't play hindi ako marunong ''

'' sooo bakit ka bumili??? '' takang takang tanong nito. Inabot ko sa kanya ang gitara.

'' bakit? mabigat ba? akin na dalhin ko? ''

I chuckle '' no that's yours ''

'' A...ano???? s...sakin??? no hindi ko ito matatanggap. Ang mahal nito '' pilit niyang binabalik sakin. Itinutulak niya ito papunta sa akin and I am doing the same.

'' I insist, please take it. Isipin mo na lang na it's my congratulatory gift to a friend who did her best to win the contest ''

Pilit ko pa din, and inside my head I am praying for her acceptance.

Please, please.....

Tiningnan niya ito, binuksan ang zipper at sinilip.

'' T...this is Martin OM-45 Deluxe, a...ang mahal nito jade. ''  mas gulat ngayon ang ekpresyon niya.

'' RETASO ''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon