Chapter 5

1.8K 67 6
                                    

Wala pa ang guro kung kaya ang ingay pa ng buong klase. Nagbabatuhan ng bolang papel at nagtatawanan ng napakalakas. Ang grupo naman ni althea ay nagtutugtugan. Hindi nga maialis ni jade ang  kanyang mga tingin sa kumakanta-si althea. Napapansin niya na hilig nito sa musika, kasama yung tomboy niya kaibigan at yung isa pang babae na may fushcia pink na buhok. May dalawang lalaki rin. Lahat sila ay hindi pa ni jade kilala. Napukaw lang ang kanyang atensyon nang may lumapit sa kanyang kaklase.

'' hi '' bati nito.

Kulot ang buhok ng nagsalita at ang isa ay tuwid, parehong maikli ang gupit.

'' hey '' bati naman ng dalaga.

'' Pasensya na ha kung naistorbo ka namin. Makikipagkaibigan lang sana kami ni Mia '' tukoy ng kulot sa katabi '' ako nga pala si Eloisa. ''

Halatang nahihiya ang dalawa at  talagang nilakasan lang ang loob na makipagkilala. Hindi sila pareho makatingin ng diretso sa kausap at malamig ang kamay ng makipagkamay. Naramdaman ni jade ang pagkailang ng dalawa kaya ngumiti ito at nagsalita.

'' I'm jade please to meet you '' hindi pa rin nito inalis ang ngiti sa mukha kaya nakampanti ang dalawa.

'' yes kilala ka namin jade, we are just thinking kung pwede ka namin maging...ahm '' nahiya pa ituloy ni mia ang huling salitang kaibigan.

Jade knew what she was about to say kaya siya na nagpatuloy.

'' kaibigan? sure '' ngumiti ulit ang dalaga. Natuwa ang dalawang kausap at hindi napigilan na mapayakap kay jade. Napatingin ang ibang estudyante. May inggit sa kanilang mga mata. Gusto rin nilang makipagkaibigan but they can't stop to feel intimidated that's why they hold back.

Maging ang grupo nila althea ay napatingin sa dako nila, napangiwi pa nga si wila na mainit ang dugo sa dalawang bagong kaibigan ni jade, anyway lahat naman eh kinaiinisan ni wila. Wala ng bago dun.

Nagtatawanan pa ang tatlo ng pumasok na si Mrs. Fabre, agad bumalik sa kanilang upuan si Mia at Eloisa at nagsimula na ang klase.

Matapos ang isang oras na pagtuturo ay dumating rin ito sa katapusan. Nag ring na ang bell. Nagsitayuan ang buong klase para magpaalam sa kanilang guro. Mabilis tumakbo palabas ang ilan matapos ni mrs fabre.

Abala sa paglagay ng mga gamit sa bag si jade ng may bumato sa kanya. Isang kuyumos na papel. Napatingin ito sa unahan at nakita na nakangiti si wila. Kumaway ito at pinagpatuloy ang ngiting nakakaloko.

'' ay sorry di ko sinasadya ''

'' ano ba wila! '' saway ni althea, siniko din ito ni batchi.

'' aray ano ba ang oa niyo ha, hindi ko naman talaga sinasadya eh ''  pagkukunwari pa nito. But knowing wila alam na alam ng dalawa na sinasadya niya ito. Kaya hinila na siya palabas ni althea.

'' halika nga!! ''

'' pasensya ka na jade ha, may topak ang taong yun '' napangiti ng mapakla si batchi at sumunod na sa dalawang kaibigan.

Lumapit sina mia at eloisa sa bagong kaibigan.

'' hayaan mo lang yan si wila, ganyan lang talaga yan '' si eloisa.

'' ammm that's fine '' tipid na sagot ni jade. Nahulog bigla ang huling notebook na inilalagay niya. Pinulot ito ni mia.

'' ohhh poems? '' turan niya bago iabot kay jade. Hindi niya  sinasadyang makita ang mga nakasulat.

Binuksan ng mabilis ni jade ang mga pahina bago ipasok sa loob ng bag.

'' oo, hilig ko magsulat ''

'' RETASO ''Where stories live. Discover now