Chapter 9

1.2K 55 1
                                    

Jade :

'' saan tayo pupunta? '' tanong ko kay althea habang naglalakad.

'' daan lang tayo kina marsha magpapaalam lang bago tayo pumunta sa mall para sa project natin. ''

'' sino si marsha? ''

'' yun anak nung may ari ng karinderya na pinagtatrabahuan ko '' nahihiya nitong sagot sa akin.

'' ah okay sige ''

'' s....sigurado ka ba na sasama ka? ''

'' oo naman why not, gusto ko rin makita ang workplace mo '' ngumiti ako.

Wala kasi si manong randy, medyo sumama daw pakiramdam kaya hindi kaagad makakarating ngayon kaya ang pagpunta sa mall ay hindi niya kami masasamahan. Bibili kami ni althea ng gamit para sa project,we're partners sa physics as per draw lots.

'' tara? '' aya na niya.

Tumango ako at nagsimula na kaming mag lakad. Mga ilang bloke lang naman pala ang layo ng working place niya magmula sa eskwelahan. Katabi ito ng maraming mga jeep, mukhang istasyon nga ng jeep. Marami kasing nakaparada at wala naman mga pasahero. Hindi rin naman ako sigurado dahil hindi pa ako nakakasakay dito at nakapunta sa lugar na ganito.

'' nandito na tayo '' narinig ko ng sabi ni althea.

Palinga linga kasi ako sa paligid, naaaliw ako sa ingay ng mga sasakyan sa kalsada. Napaka busy pa rin ng lahat, rush hour na nga pala. Uwian ng empleyado at mga estudyante.

Pumasok na kami sa loob ng isang kainan, siguro ito na yun dahil dire-diretso lang si althea na pumasok. She asked me to sit na ginawa ko naman, halos puno na ng customer ang loob. Malaki ang lugar mainit nga lang dahil na rin siguro nasa gitna ito ng siyudad.

Nililibot ko pa rin ang mga mata ko sa paligid ng mahagip ng aking paningin na pabalik na sa posisyon ko si althea. May kausap itong babae at panay ang tingin sa akin, tumatango tango pa ito, at mas lalo akong nakaramdaman ng pagkailang ng tumingin sa akin si althea. I smiled back, yung medyo nahihiyang pagngiti And then lumapit yung babae sa akin. Nagkataon kasi na bumalik saglit si althea sa loob ng isang kwarto.

'' hello, ikaw ba yung bagong transfer na estudyante? '' tanong niya sa akin. Nakangiti ang babae na may itim at maikling buhok.

'' ahmmm yes ako nga ''

'' sooo ikaw yung kaibigan niya? '' hindi ko alam san kami dadalhin ng usapan namin pero sumasagot naman ako. I am feeling thrilled sa kanya. Lalo na the way siya  tumingin, parang ako naman talaga yung kausap niya pero sa iba sya nakatutok , minsan umiirap pa?

'' i think so '' ngumiti na naman ako.

Nagulat ako ng pwersado niyang inabot ang kamay niya sa harap ko.

'' marsha nga pala kaibigan ni althea '' pakilala nito na hindi ako tinitingnan.

'' hi I'm jade happy to know you '' nagkamay kami.

A moment later ay dumating na si althea may kinuha lang pala sa loob. May bitbit na itong folding umbrella na hindi naman niya dala kanina.

'' tara jade '' aya na niya at nagpaalam na rin kay marsha.

Habang naglalakad ay naisip ko bigla si marsha.

'' ammm althea hindi ba ako gusto ni  marsha o may dumi ba ako sa mukha? '' napataas ng kilay si althea at sumagot matapos isilid ang payong sa loob ng bag.

'' bakit? may sinabi ba siya, mabait yun si marsha ''

'' kasi nag uusap kami hindi niya ako tinitingnan? atsaka iniirapan niya ako kaya nagwoworry ako na baka may nagawa ako na iba para maging ganun ang act niya towards me ''

'' RETASO ''Where stories live. Discover now