Chapter 30 - BULLDEE

872 37 3
                                    

Althea:

Ang unang araw sa paghatid ko kay jade ay naging una at huli sa loob ng isang buwan at kalahati. Nagkikita kami ng paminsan minsan, siya yung madalas na dumadalaw sa akin. In her busy schedule ay nagagawa niya pa rin akong isingit. I asked her not to do it lalo na kapag may mahalaga siyang gagawin sa university pero makulit eh, ako daw ang priority niya. Kaya alam ko na mahal na mahal ako ni jade at ganun rin naman ako sa kanya.

So ano nga ba ang pinagkakaabalahan ko? Madami, dahil bumalik na nga yung tindera sa karinderya after ng libing ni nanay ay nawalan na ako ng puwang sa trabaho. Kaya naghanap ako, at ngayon nga ay  namasukan ako as gasoline girl sa umaga at pag dating ng gabi ay sa isang coffee shop. May pa extra extra pa ako, pero pinili kong itigil para sa pagsali sa mga singing contest.

'' Althea ikaw na magsara please? mawawalan kasi ako ng masasakyan pauwi '' nagkukumahog na kinuha ni eva ang mga gamit niya, mag aalas diyes na ng gabi. Si eva yung naging close ko kaagad dito sa trabaho. Mabait kasi at napaka palakaibigan kaya naman hindi mahirap pakisamahan. Katulad ko ay panganay din siya sa tatlong magkakapatid. Nagtapos lang din ng sekondarya tapos hindi na din itinuloy pa ang magkolehiyo para sa mga kapatid. Parehong pareho kami ng istorya. Ang kaibahan nga lang ay buhay pa ang pareho nilang mga magulang.

Kami ang nakaschedule na magsara ng coffee shop. Paglingon ko sa kanya para sumagot ay nakalabas na pala ito ng pintuan at sumigaw na lang ng salamat. Pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng mga upuan. Nasa may counter na ako at inaabot ang basahan para punasan ang huling lamesa ng biglang tumunog ang pintuan. May pumasok na tao.

'' pasensya na po pero sarado na kami '' paglingon ko ay ang mahal ko pa lang girlfriend ang pumasok.

'' that's good para sa akin na ang atensyon mo '' ngumiti ito.

'' Anong ginagawa mo dito lablab '' she walks towards me at hinalikan ako sa pisngi.

Sa hitsura nito ay halatang kakagaling pa lang sa unibersidad. Di na nga nagsuklay pa at ipinusod lang ng basta ang buhok pataas. Sanay siya ng ganyan, yung hindi maayos pero class pa rin tingnan. Naka tshirt lang siya ngayon at fitted na pants at naka heels pa. Lahat naman ata ng damit sa kanya ay bumabagay talaga. Ang sosyal niya ba naman magdala, kahit pa ata naka mumurahing damit lang ay magmumukhang mamahalin kapag siya ang may suot.

'' sinusundo ka po '' nakahawak pa rin siya sa bewang ko.

'' ganun? kaya ko naman umuwi eh. Ang layo nito sa eskwelahan mo lablab mapapagod ka ''

'' okay lang mas mahimbing akong makakatulog kung alam ko na makakauwi ka ng maayos '' she touched my nose with her finger na palagi niyang ginagawa.

'' O sige na nga, upo ka muna dun love tapusin ko lang ito ''

'' okay hintayin kita '' umupo siya sa may bandang gilid habang nakatingin lang sa akin.

Kung yelo ako siguro tunaw na ako. Maya maya pa ay kinuha niya ang cellphone na narinig ko rin na tumunog kanina. Nagtype siya ng reply tapos tumunog ulit at nagreply ulit siya, ngayon panay na ang ngiti ni jade habang naka glue ang mata sa phone screen. Sino naman kaya ang katext niya at this hour? Minadali ko na ang pag ayos at inaya na siya pauwi.

'' lablab tara na? '' nakangiti pa rin ito at nakatingin sa cellphone. Mukhang hindi ako narinig kaya inulit ko.

'' LOVE LET'S GO? ''  medyo naiirita ako kasi bakit ba siya ngiti ng ngiti sa kausap niya? at ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

'' ah tara na love? wait a sec. '' sinilid niya ang phone sa bag at naglakad na kami palabas nang magkasabay. Matapos kong ikandado ang pintuan at masiguradong maayos ang pagkakasara ay saka namin binaybay ang daan papunta sa sasakyan.

'' RETASO ''Where stories live. Discover now