Chapter 6

1.5K 70 1
                                    

Althea :

Dumating na ang araw ng lunes. Ang araw na aking pinakahihintay. Excited na ako na malapitan si jade kaya naman ang aga kong gumising para mag prepara ng sarili.

'' ate ang aga mo ata alas singko pa lang ah '' inaantok pang turan ni sophia, kinukusot kusot pa nito ang kanyang nakapikit pang mga mata.

'' ako na kasi magluluto may natira pang kanin kagabi at ulam. Yun na ang agahan natin para naman mabigat sa tiyan at hindi tayo kaagad gutumin '' sagot ko at marahang tumayo sa higaan. Si buknoy ang natulog sa may sala.

'' tulungan na kita ate '' presenta niya sa akin.

'' sigurado ka? hindi ka na ba inaantok? ''

'' oo gising na ako ate '' dali dali itong tumayo, inayos ang hinigaan at sumabay na paglabas ng kwarto.

Pagkalabas ay kaagad kami dumiretso sa kusina, kinuha ni sophia ang kutsilyo para hiwain ang bawang. Inihanda ko na ang kaning lamig dinurog para mas madali ang pagsangag.

'' ate tapos na ''

'' naks bilis ah '' saad ko at kinuha ang hiniwang bawang sa mesa.

Sinangag ko ang kanin at matapos yun ay isinalang ko ang prinitong isda para initin. Matapos ang lahat ay saka na nagising si nanay at tatay.

'' oh ang aga niyo yata nagising mga anak '' anya ni inay.

'' at nakapagluto na '' dagdag naman ni itay.

'' si ate po eh hehe mukhang excited ngayong araw '' nakangiting saad ni sophia. Napatingin ako sa kanya at nagsalita.

'' excited ka dyan, lunes kaya ngayon may pasok '' palusot ko na lang.

'' oh siya hali na't kumain na tayo habang mainit pa '' kinikiskis ni itay ang dalawang palad habang nagsasalita.

'' buknoy, andres gising na!!! '' sigaw ni inay.

Nakadalawang ulit pa si inay nang pagtawag bago nagising ang dalawang lalaki. Kumakamot pa ng kanyang ulo si buknoy.

'' nay ang aga pa naman ah '' reklamo nito.

'' reklamo ka pa kaya lumalayo ang grasya sa inyo at tanghali na kayo gumigising nadamay pa kami '' pagbibiro ni sophia.

Napakamot na naman lang muli sa kanyang ulo si buknoy at dumiretso sa lababo para magsipilyo ng ngipin at maghilamos. Matapos yun ay dumulog na rin sila sa hapag kainan.

Lumipas ang isang oras ay handa na kaming magkakapatid sa pagpasok. Gaya ng nakagawian ay nakipagunahan kami sa mga taong papasok na rin sa trabaho. Muntik na naman sanang madapa si sophia pagkaakyat sa jeep dahil napahagalpak ito ng tawa ng makita niya nahubuan ng shorts yun barker na galit na galit sa uhuging bata na naapakan ang shining shimmering splendid niyang itim na sapatos. Hahabulin niya sana ang salarin ng mapasabit sa pintuan ng jeep yung maluwag niyang shorts. Kaya itong si sophia at ibang pasahero ay hindi magkamayaw sa pagtawa ng malakas.

Agad iniangat ng barker ang salawal at tinalian ng plastic na lubid. Namumula ito sa pagkapahiya. Ang tawanan ay nawala na ng tuluyan ng umandar na ang jeep. Natahimik na rin si sophia at naka pokus ang mga mata sa kalsada. Maya maya pa ay nakarating na kami sa eskwelahan.

Pagkapasok sa gate ay naglakad na ako patungo sa first class namin. Nagpaalam na rin ang dalawa kong kapatid. Dahil medyo maaga pa at wala pa sina batchi ay napili kong tumambay sa bench malapit sa canteen. At ang pinakahihintay kong tao ay dumating na. Pumarada ang magarang itim na kotse sa may gate at lumabas ang isang napakagandang diwata sa balat ng lupa.

'' RETASO ''Where stories live. Discover now