Chapter 10

1.3K 61 3
                                    

Althea :

'' nalinisan mo na ba yung likod bahay andres? sophia yung banyo okay na? '' tanong ko sa mga kapatid ko matapos magbihis ng pinakamaayos kong damit. Yung kahit naman mahirap kami ay hindi naman nakakahiya ang hitsura ko.

'' tapos na ate!!! '' sabay na sagot ng dalawa, tapos ko na rin kasi ang sala at mas maayos na para tumanggap ng bisita.

Nakahiga si buknoy sa naglalaganit na upuan naming kahoy sa sala, naaasar na naman dahil wala pang 10 minuto ay natapos na naman niya ang nilalarong space impact. Paulit ulit niya itong pinatityagaan kapag boring siya at walang pangangalakal na nangyayari.

Dahil sawa na naman inilapag na nito sa lamesita ang cellphone na puno na ng electrical tape ang katawan para hindi matanggal ang pinakauna pang housing na army style. Pwede na ngang isugod sa emergency room ang cellphone namin dahil sa hitsura nito.

Sinusuklay niya ang kanyang buhok ng ito'y magtanong.

'' bakit ba ate parang nag aalala ka diyan? linis dito linis dun? may bisita ba tayo na darating? ''

'' meron, pupunta dito si jade '' sagot ko habang sinusuklay din ang basa ko pang buhok. Mabuti may natira pa na sunsilk nakapagshampoo pa ako.

Napatayo si buknoy halatang nagulat

'' ano?!! p..p.....punta dito si jade? '' bumilog ang eyeballs nito, haha. Sinasabi ko na nga ba may gusto ito kay jade. Mga tinginan at galawan niya kapag kaharap namin si jade o nasa sasakyan niya kami iba eh.

'' ate jade '' pagtatama ko.

'' pweee maka ate ka dyan ate, jade lang '' hinarap ko ang kapatid ko.

'' magka edad kaming dalawa at ate mo ako so dapat lang na may ate bago ang pangalan niya ''

'' pero hindi ko kapatid si jade kaya oks lang na walang ate hahahaha '' tumawa ito ng malakas sabay kuha ng towel sa sampayan.

'' maliligo ako, may shampoo pa ba tayo ate? ''

'' wala na sinaid ko na nga lang yung sunsilk dyan, bareta na lang din ang ikuskos mo sa buhok mo ''

'' ayaw ko nga nakaka dry ng strands ng hair ang bareta, makautang nga muna kay tina.. '' sabi nito.

'' buknoy! '' tawag ko bago pa siya makalayo ng bahay.

'' kindatan mo si tina para pautangin ka rin ng pang meryenda mamaya!! '' sigaw ko.

'' haha sige ako ng bahala para kay jade ''

'' buknoy!!!! '' tawag ko ulit, patakbo na sana ito patungo sa tindahan ni tina. Bumalik siya sa may pintuan at sumilip.

'' ano na naman ate? '' nakakunot ang noo nito,

'' ang taray mo sa strands ng hair '' natawa ako, napa english ang loko.

Pinalo niya ako ng tuwalya na nakasukbit sa balikat niya at tumawa ng malakas bago tumungo sa kanyang destinasyon.

Pagbalik niya ay may dala dala na itong, tang orange, chichiria, may tinapay din naman atsaka clear shampoo para daw mawala yung dandruff niya. Nagpapapogi talaga.

'' mamaya na ako bibili ng yelo kapag andito na si jade '' ngisli ni buknoy at dumiretso na sa banyo para maligo. Napangiti na lang ako dahil mukhang seryoso ang karibal ko.

'' ATEEEEEE!!!!!!!!! '' napapitlag ako ng sumigaw si andres. Nagtatatakbo ito galing sa labas at humahangos na huminto sa harap ko.

'' BAKIT??? '' mataas na tono kong tanong. Kinakabahan ako, baka may sunog.Iniisip ko na kung alin ang una kong isasalba kung yung mga kaldero ba o ang mga damit namin.

'' RETASO ''Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu