Chapter 48

889 30 13
                                    

Naglalakad sa pasilyo ng hospital ang isang dalaga. Matangkad, mahaba ang buhok na may natural na tsokolate ang kulay. Balingkinitan ang pangangatawan. May magandang mukha at nakasuot ng puting laboratory gown.

May nakasukbit na stethoscope sa kanyang balikat habang ang parehas na kamay ay nakasuot sa bulsa. She's smiling radiantly. Nginingitian niya ang bawat taong nakakasalubong. She even greeting them one by one. Masasabing nasa magandang mood ito ngayong oras.

Sa gawing kaliwa ng suot na puti, sa bandang itaas ay may nakasulat. Dr. Abegail Nuñez. Isang junior surgeon ngunit nakagawa na ng kanyang pangalan dahil sa pinapamalas na galing at talino sa larangang napili.

'' Doc abe hinihintay ka po ni Doc Howell sa lounge '' saad ng nakasalubong na nurse.

'' thank you lisa '' sagot ng mabait at magandang doktora sa nagsalitang nurse. Bigla na namang lumawak ang ngiti nito sa kanyang mga mapula at manipis na mga labi.

Medyo nagmadali ito at tinungo agad ang doctor's lounge. Bago pumasok ay kinuha muna nya ang cellphone, camera at tiningnan ang sarili.

'' you still look fine '' saad nito sa sarili.

Inikot ang door knob at pumasok na sa kwarto. Nakaupo sa sofa ang pinakahihintay na panauhin.

'' hey '' ngumiti ito.

Inangat ni jade ang kanyang mukha at ngumiti pabalik.

'' hey '' sagot nito atsaka tumayo at yumakap sa kaharap.

'' Ohhhh why? namiss mo ako hon? '' biro nitong lumalambing. Niyakap na niya pabalik si jade.

'' Hmmmmm '' sagot lang naman nito.

Isiniksik ni jade ang kanyang mukha sa leeg ni abe.

'' did you enjoy? '' tukoy ni abe sa concert. Tumango lang si jade.

'' You saw her? nandun siya. ''

Bumitaw sa pagkakayakap si jade at tumingin sa kasintahan. Abe smiled to jade. Hinawakan nito ang magkabilaang kilay at pinaghiwalay.

'' ayan magkadugtong na naman sila. '' chuckles '' oo ang sagot, I know from the very start na siya ang last to perform. It was not been said by the management but I have an eye there, so yun alam ko ''

'' tapos pinapunta mo ako dun at mag isa pa ''

Nahimigan ng dalaga ng pagtatampo ang boses ng nobya kaya hinalikan niya ito sa pisngi at hinawakan ang parehong kamay pagkatapos.

'' sorry na, but don't you think its time for you to face her. ''

'' you planned it all along? '' napakagat labi ang dalaga.

'' hmmmm y----yep. Guilty '' at ngumiti na naman ito na parang bata.

Sa harap ni jade ay mas nagiging masayahin ang noon ay dating mahiyain na doktora. Tatlong taon ang tanda ni jade kay abe. Nagkakilala sila sa mismong hospital na kanilang pinagtatrabahunan.

Nagmamadali noon pumasok si abe ng bumangga siya sa papalabas na si jade. Galing sa night shift ang huling nabanggit, pagod na pagod at gutom. Nang magtama sila ay nawalan ng balanse si jade na naging dahilan para sila'y matumba.

'' ayyy sorry po, nagmamadali po kasi ako at hindi kita napansin. ''

'' okay lang '' pilit ngumiti si jade na napapailaliman ng baguhang intern na si abe.

Tumayo si abe at iginaya ang kamay para tulungan makatayo ang nabangga. Inabot naman ito ni jade. Malapit na sana itong makatayo ng may isang makulit na bata ang walang habas na tumatakbo na bumangga naman kay abe. Muli tuloy bumalik sa tiles na semento ang kawawang doktora.

'' RETASO ''Kde žijí příběhy. Začni objevovat