Chapter 44

795 39 23
                                    

'' Between the one who left and the one who got left behind.
Who's hurting more? ''

***

'' sinasabi ko na nga ba at nandito ka na naman jade. Malaki ba ang share mo sa bar na ito kung kaya palagi kang bumibisita? '' saad ng kaibigan ni jade na si ila.

Matapos ang ilang linggo ay walang naging routine sa buhay ang nagdadalamhati pa ring dalaga. Hindi pumapasok ngunit parating wala sa bahay. Madalas pa ay umuuwi ng hating gabi o madaling araw na lango sa alak.

Tumabi sa magkabilang dako ni jade ang magkaibigan. Pinagmasdan nila ang kaibigang matalik. Umiiyak pa ito habang umiinom ng alak. Naka tatlo o higit pang bilang ng beer si jade kaya halos nakapikit na ang mga mata nito. Ang mga mata niyang may pagkasingkit na namamaga at namumula sa araw araw na pag iyak.

Pagkauwi niya galing america ay wala na siyang balita mula kay althea. Naghintay siya ng announcement ng concerts, shows o anu pa man na may kaugnay sa mahal niya. Yun nga lang the management told that althea was on leave for some personal matter.

Hindi dun natigil si jade. Gabi gabi pa rin siyang tumatawag, nagbabakasakali na sumagot o magchat man lang. Subalit sa bawat pag asa na may pangalang althea na lalabas ay siya rin naman ang patuloy na pagkamatay ng kalooban niya, sa kawalang sagot mula sa kabilang linya.

'' jade tama na, halika na uwi na tayo. ''

Kinuha ni ila ang bote ng alak sa kaibigan at inilapag sa mesa. Kinuha itong muli ni jade at nagsalita sa lasing na boses.

'' waiiit hindi pa u-bos '' suminok pa ito.

Lalagukin na niya sana ito pero kinuha ito ni amanda.

'' ako ng uubos ''

Kahit magkanda duwal duwal ang dalaga ay pinilit niya itong ubusin. Hindi sila umiinom pero ng dahil kay jade na parati nilang sinusundo gabi gabi ay natuto sila. Kapag nakita kasi ng kaibigan na hindi nilunok ay mag oorder ulit ito.

Namula si amanda sa ininom. Kaagad niya itong sinundan ng maraming chaser para mawala ang mapait na lasa.

'' ang galing mo na a-manda '' sabay tawa ni jade.

'' Oo magaling na kami salamat sayo '' sarkastiko nitong pagsagot.

'' halika na '' ulit ni ila atsaka nila inalalayan ang kaibigan palabas ng bar.

Pagkasakay ng kotse ay pumikit kaagad si jade. Nakasakay na rin sa driver's seat si amanda at back seat si ila.

'' love yung seatbelt mo ''

Pilit inaabot ng nahihilo at lasing na lasing na dalaga ang seatbelt ni amanda na inaakalang si althea na nakasanayan niyang gawin para sa dalaga.

Nang mapagtanto niyang hindi si amanda ang taong inaakala ay natawa ito.

'' hahahaha oh shit! althea again, I'm sorry i thought you're althea '' at tumawa pa ito ng napakalakas hanggang sa napalitan ito ng paghagulhol na pag iyak. Nakahawak siya sa kanyang dibdib habang pilit inaayos ang pagsalita.

'' A-ang gago mo A-althea, bakit ang gago mo?! Minahal kita ng totoo, i-ikaw lang, i-kaw ang priority ko pero ginago mo ako... ''

Naiyak na lang din ang dalawa na awang awa na sa kalagayan ng kaibigan. Nangayayat na si jade dahil halos hindi na kumain at natutulog. Parating umiinom at halos ayaw makipag usap. Ang layo na niya sa jade na masayahin na nakakahawa ang pagkapositibo sa buhay.

Dahil sa nangyari sa kanila ni althea. Lahat nagbago na. Ibang iba na siya. Kinuha ni ila ang dalang plastic at isinahod sa nagsusukang kaibigan.

'' AHHHHHHHH ang pait! '' sambit nito. Sabay punas naman ni amanda ng basang tuwalya sa bibig ng kaibigan.

'' RETASO ''Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt