Chapter 20

982 40 0
                                    

Laking gulat ni althea ng madatnan niya ang napakagulo nilang tahanan. Mukha itong dinaanan ng bagyo. Ang lamesa, ang mga upuan at tukador ay wala sa ayos. Maging ang kwarto ng mga magulang niya at sa kanila ay bukas ang pintuan.

'' anong nangyari dito ate? '' nasa likod na pala niya si buknoy na gulat din ang hitsura. Hindi pa nila magawang makapasok sa pintuan sa pagkalito.

'' Nadatnan ko ganito na, kaya hindi ko rin alam. '' humakbang na kami pareho paloob.

'' Sophia! Andres!!!! ''

Walang umimik sa tinatawag niya.

'' nanakawan ba tayo? ang tanga naman nila dahil nag aksaya sila ng oras sa bahay natin. Ano naman makukuha nila dito? plato? kutsara? tsk! ''

Itinayo na ni buknoy ang natumbang maliit na silya, inayos na din niya ang hilera ng mga upuan na yari sa kawayan.

Nang marinig ni althea ang salitang nakaw ay tumakbo ito sa kwarto nila. Binuksan ang kaban (makalumang lalagyan ng mga damit noong unang panahon), nanlumo ito ng hindi makita ang maliit na de susi niyang lalagyan. Ipon ni althea para sa monthsary nila ni jade.

'' nasan ka na??? shit! shit! shit!!!! ''

Napahawak si althea sa kanyang ulo, sumilip naman si buknoy sa kwarto.

'' ate? bakit? ''

'' Hayop kinuha niya ang pinag iipunan ko para sa susunod na buwan buknoy, wala na yung pera ko '' nangingiyak ngiyak na si althea. Lumapit ang kapatid at niyakap siya nito.

'' ate, walang hiya talaga ang may gawa nito '' hinaplos haplos niya ang likod ng kapatid. Kahit nanlulumo sa pangyayari ay nagawa pa rin nitong ayusin ang sarili at suriin ang kwarto ng mga magulang nila.

'' mabuti na lang walang nawala sa kwarto nila nanay '' saad ni althea na kumakamot sa ulo niya na ngayon ay nagsisimula ng sumakit. Pumasok na rin sina sophia at andres na nagtatawanan pa ngunit agad nawala ng makita ang hitsura ng panganay nilang kapatid.

'' anong nangyari dito? '' si sophia

'' bakit ate? '' si andres

'' nanakawan yata tayo, nawawala ang ipon ni ate '' nagtigamsik pa si buknoy habang naaawa pa rin kay althea.

'' nakaw? kanina nandito si tito dante. Nagpaalam lang kami saglit nit andres para kuhanin ang sinabing labada para kay nanay '' may bitbit nga namang dalawang medium size na timba ang dalawa na puno ng mga hinubarang damit.

Napahilamos na lang ng mukha si althea at ninais na suntukin ang tiyuhin. Nandito na naman siya, dati ginawa na niya ang ganito at ngayon nagsisimula naman siya. Nang dumating ang mga magulang nila ay nagsumbong ang magkakapatid.

'' si dante na naman? '' halos mangiyak ngiyak na ang ilaw ng tahanan. Nagsimula na naman na sumakit ang dibdib nito dahil sa ginawa ng bunsong kapatid.

Maraming beses na niyang sinagot ang kapatid na si dante. Nagkabaon baon siya sa utang para lang may maipangpyansa nung nakulong ito. Yung mga panahon na pinagtatabuyan siya sa trabaho at walang tumatanggap ay siya ang kumargo dito. Pero ang lahat ay may hangganan. Nangingilid na ang luha ng ina sa pagkaawa sa anak na nawalan ng pinaghirapan niyang pera.

'' nay dapat siguro ipa rehab na natin ang kapatid mo, mukhang nagsisimula na naman sa luma at nakakatakot niyang gawain. Pano na lang kung may masaktan siya sa inyo at hindi na lang pagnanakaw ang gawin niya? baka mailagay ko sa kamay ko ang dahas nay '' litanya ng asawa, nakikinig lang naman ang kanilang mga anak.

Napahawak sa kanyang dibdib ang ina, kaagad naman lumapit si althea.

'' nay okay ka lang po ba? may masakit ba sayo? ''

'' RETASO ''Where stories live. Discover now