Chapter 25

923 32 1
                                    

Althea :

Kinabukasan, linggo ay tumungo kami sa iba't iba pang tourist spots katulad ng ladies market at Ocean park hongkong at kagaya kagabi naging magical ang lahat. Naalala ko pa ang tsim sha tsui promenade na pinag aksayahan namin ng oras ni jade. Dito mo makikita ang clock tower stretching all the way to hung hom. Maganda ang lugar na ito lalo na sa mga love birds. Yung tipong mamamagnet ang mga mata niyo sa mala-dramatic na pagkagawa sa Hongkong island skyline towering over the busy waters of Victoria harbor-an area with waterfront scenery and fireworks. Pumunta din kami sa temple street night market. Marami ditong mga pagkain, souvenirs at fortune tellers. Gusto nga sana naming magpahula ang kaso lang madaming nakapila. Blockbuster kung baga, kaya lumipat na lang kami sa iba. Matapos ang mapagod na araw ay napagpasyahan na namin ang magpahinga.

Nakakailang tunog na ang cellphone ko. Oo bumili na ako ng touchscreen na phone, secondhand lang naman ito kaya medyo mura. Pinagsawaan ng kabarkada ni buknoy, mabuti nga may naipon ako na sobra. Nakakahiya naman din sa girlfriend ko na bibilhan na sana ako, kaya ayun sabi ko meron ako. Pride na nga lang ang kinakapantay ko kay jade pati ba naman yun mawawala pa sa akin? kaya yun bumili ako.  At isang notification na naman ang dumating sa messenger. Binuksan ko na at sunod sunod na ang pagtunog, ang lakas pa naman ng notif. tone. Nalito pa ako kung pano mabubuksan ang phone at may password bwisit na buknoy yun pakialamero. Pati si jade ay napatingin na sa akin na bumibili lang ng frappe. Siya na daw at maupo na lang ako, pero sa akin galing ang pera. Alangan man palaging siya kahit pa uso na ang equality ay iba pa din. Ako ang lesbian sa amin kaya ako pa rin.

Naalala ko na ang password kaya nabuksan na ang cellphone. Mabuti at madali lang gamitin ang maliit na bagay na ito dahil kung hindi nakakahiya talaga, masyado na akong nahuhuli sa trend. Kaso ganun talaga family first and Jade ofcourse. Binasa ko ang mga messages.

Batchi : Tsong! hinay hinay ah baka maiuwi mo si donald duck.

             * Tsong huwag kalimutan SAFETY FIRST!                HAHAHAHAHA!!!!

Napailing na lang ako gago talaga itong si batchi. Sumunod ay si basty may pa kiss mark pang nalalaman. Nababakla na din.

Basty : TOL PASALUBONG 😘

Greg :  Kahit walang pasalubong umuwi ka lang safe pati si jade. PERO kung meron mas mabuti, mas mamahalin kita bilang kaibigan 😬

Okay na sana kaso may pahabol pa rin, gusto lang din naman ng pasalubong.

Wila - Ex namimiss na kita, uwi ka na di na ako galit!!!

'' ba't nakangiti ka lablab? '' nakaorder na pala si jade di ko lang namalayan.

'' yung mga barkada kasi natin nagchat '' sagot ko na natatawa pa.

'' patingin nga? anong sabi? '' dumungaw si jade sa cellphone at napangiti din kagaya ko. Hindi ko na pinabasa yung kay wila baka ano pa ang isipin ni jade. Kahit minsan gusto ko rin makita kung papano magselos ang isang ito. Ang kaso mahal na mahal ko ito kaya ayaw kong bigyan ng kahit anong rason para makaramdam ng selos, siya lang naman talaga ang mahal ko at mamahalin ko pa.

'' huwag mo silang pansinin lablab ha, hindi pa naman natin gagawin yun '' tukoy ko dun..sa ano basta yun. Biglang nabilaukan si jade sa iniinom niya.

*coughing

'' lablab okay ka lang ba? dahan dahan kasi '' patuloy ang paghimas ko sa likod niya. Umubo pa siya ng isa atsaka pinunasan ang bibig ng tissue na nasa ibabaw ng mesa.

'' o-okay na love may nakaalala ata ''

'' sorry ha '' nagulat siya sa sinabi ko at kunot noo na tumingin sa akin. May basa pa sa may gilid ng labi niya kaya ako na ang pumunas.

'' RETASO ''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon