Chapter 8

1.3K 52 1
                                    

Jade :

Hindi mapalis ang ngiti sa aking mukha hanggang sa makapasok sa bahay. Si althea at batchi ba naman nadulas sa daanan palabas ng school. Napaapak si batchi sa may basa, hindi niya ito napansin dahil nagmamadali siyang makasilong sa shed na malapit sa gate. Ang lakas kasi talaga ng ulan at wala silang dalang payong. Ako naman ay pinasukob ni mia kasama si eloisa.

Dahil sa pagmamadali ni batchi ayun nadulas nadamay pa si althea na nahawakan ni batchi para sana masalba ang sarili sa pag kadulas ang problema nahila niya si althea at dalawa silang basang basa sa ulan. Mabuti na lang may bitbit akong extra na damit, pinahiram ko kay althea dahil papasok pa siya sa karinderya. Napag alaman ko kasi na working student ito, hindi naman lingid sa kaalaman ko na mahirap ang kalagayan nila sa buhay, nakwento na rin sa akin ni batchi.

Nakangiti pa ako habang tinatahak ang hagdanan papunta sa kwarto, madadaanan muna ang living room bago yun at narinig ko na may tumawag sa akin.

'' jade anak '' lumingon ako si mama, kasama si dada nakaupo ng magkatabi.

Agad sumilay ang ningning sa aking mga mata. After two long weekends ngayon ko lang na naman sila nakita. I ran towards them at agad silang niyakap.

'' mama ''

'' dada '' bati ko pero di sila umimik at mukhang inis si mom.

'' bakit po? '' I asked.

Nakuha ko na kung bakit. I noticed na tinitingnan nila ang uniform ko. Nakalimutan ko nga palang ipagtapat sa kanila ang tungkol sa paglipat ko ng eskwelahan.

'' so kailan mo balak sabihin sa amin anak? isang buwan at mahigit ka na sa pangit na eskwelahan na yun. Kaya pala wala kaming matanggap na balita ng tungkol sayo kay marcus dahil wala ka na sa st. martin. Anak naman ano namang naisipan mo at lumipat ka sa pang mahirap na eskwelahan? '' halata sa boses ni mama ang disappointment.

'' balak ko naman po na sabihin ma, dada...nakalimutan ko lang po at mas gusto ko sana in person but..... '' sumingit si dada.

'' but nalaman na namin ng mama mo jade, ganun ba? kung hindi pa dahil kay sally hindi pa namin malalaman ''

'' si sally? '' tanong ko.

Hinawakan ako sa magkabilang braso ni mama at pinaupo.

'' nakita ng dada mo si sally during his meeting sa isang restaurant. He asked her about you, ayun hindi na nakapagsinungaling ang kaibigan mo. Anak naman umalis ka na sa eskwelahan na yun at bumalik ka na sa st. martin dun ka nababagay, huh naiintindihan mo ba anak? '' she's rubbing my arms.

'' jade anak sumunod ka sa amin ng mama mo ha ayaw ka namin dun baka mapariwara ka kasama ng mga estudyante sa eskwelahan na yun '' dagdag pa ni dada. Kinuha niya ang cellphone at tatawagan na si tito marcus para kausapin. Kapatid siya ni dada ang may ari ng st. martin.

'' No, mama dada. Masaya po ako, actually mas masaya po. Oo most of the population there, were poor. Pero yung pinag aaralan pareho lang naman at mas totoong tao pa sila not like in st martin '' napalunok si mama sa sinabi ko.

'' so are you telling us na plastic ang mga tao sa dati mong pinapasukan anak? '' si dad... medyo seryoso mukha niya pero alam ko na nagbibiro siya, 50/50 ang labanan kaya muntik na akong matawa.

'' parang ganun na nga po na hindi '' sagot ko. This time si mama naman ang may violent reaction nakahawak pa ito sa dibdib niya.

'' anong klaseng sagot ba yan anak? yan na ba ang natutunan mo na kasama sila? ''  tiningnan ko sila simultaneously.

'' Kasi mama, dada hindi naman po kagaya ng naiisip niyo ang pinapasukan ko ngayon. Oo iba ito sa kinalakihan ko but with that school, with my classmates I feel much alive and.... '' nag isip ako ng karugtong.

'' RETASO ''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon