Chapter 32

761 30 1
                                    

Althea :

'' Love may punto naman kasi sila batchi, kasi why not stick to your genre? diba acoustic naman talaga ang linya mo. Dun ka magaling, palagi naman nating dala yung gitara mo. Why not try to--? ''

'' Jade ano ba?? pati ba naman ikaw? kinausap ka ba nila! ''

'' Love No! hindi nila ako sinabihan, what I've said was just me. Kasi naman hindi mo kailangan bumirit love just stick to what you're comfortable with ''

'' AT KAILAN KA PA NAGING ISA SA MGA JUDGES?!! '' asik ko.

Alam ko I'm out of line here pero basta na lang ito lumabas sa bibig ko. Napayuko saglit si jade at napasuklay ng nakalugay niyang buhok.

'' hindi naman sa ganun yun lang ang napapansin ko, netong mga nakaraan puro ka high notes at hindi -- ''

'' AT HINDI ANO? HINDI KO MAABOT? NA HIRAP AKO? JADE NAMAN, JUST SUPPORT ME OKAY? PWEDE BA YUN? HUWAG MO NAMAN DAGDAGAN PA ANG INIISIP KO! YOU KNOW WHAT HUWAG MO NA AKONG IHATID!! '' nagmartsa ako palayo sa kanya. Pati sa kanya naiinis na ako. She's calling me pero hindi ko siya pinansin at sumakay na ng bus.

'' Althea! ''

'' Althea!! ''

I am fed up with all their nagging against me. Hindi nila naiintindihan ang nararamdaman ko dahil wala sila sa sitwasyon ko. Hindi nila alam kung gaano kahirap na makita ang mga mahal mo sa buhay na naghihikahos. Nawalan ng trabaho si tatay dahil naging masasakitin ito, kaya pinagpahinga ko rin muna. Kahit tinatago niya alam naming magkakapatid na nalulungkot siya at iniisip pa rin si nanay. Madalas natutulala si tatay, at sa tuwing napapansin niya na nakatingin kami, pilit siyang ngumingiti at nagpapanggap na masaya. Ang hirap na makita ang magulang na nagkakaganun. Nilalagay ang maskara kapag kaharap kami ngunit sa likod nun ay isang nagdadalamhating puso. Kaya masisisi ba nila ako??? masisisi ba nila ako?!

Pero si jade? tama ba na iniwan ko siya? She travelled so far para lang samahan ako pero iniwan ko lang siya.

Nakaramdam ako ng pagkakonsensya, pero kasi siya naman. Of all people sya yung nawalan ng tiwala. Hindi ko na kinuha ang cellphone para tingnan man lang ito. Alam ko may mga text at missed calls na si jade, ganun naman yun eh. Palagi akong pinapaalalahanan, pero this time kahit siya ayaw kong makausap, magsama sama silang lahat!

Jade:

'' Nagkita na ba kayo ni althea jade? '' batchi asked me, she invited me to go out with greg para mag chill out naman daw sa isang chinese restaurant. Ang tagal na din kasi namin na hindi nagkikita kita.

'' no after that night she never contacted me. Hindi nga sumasagot sa mga text at tawag ko. I pushed her to the edge na ata kaya ganun? '' hindi ko magawang kumain dahil si althea pa rin ang inaalala ko.

Pumunta ako sa trabaho niya at maging sa bahay nila pero parati itong wala, if I could wait for her for 24 hours I'll do it, kaso may klase ako na dapat pasukan.

'' ano ka ba jade, hindi naman siguro ganun. Namis interpret lang ni althea. Pero siguro nga? hay di ko rin alam ''

Hindi na rin sigurado ni batchi maging ng iba pa kung bakit bigla biglang naging ganun ang reaksyon ni althea. Napag alaman ko rin na pinayuhan na pala si althea ng barkada sa pagpili niya sa kantang ilalaban sa contest, nagalit ito at sinundan ko pa kaya mas lalo na itong nasaktan.

'' anyway kalimutan muna natin, nandito na rin tayo di mag enjoy na diba '' cool na saad ni greg.

'' mabuti pa nga '' sang ayon ni batchi '' sayang hindi nakasama sina wila at basty. May gagawin pareho eh ''

'' RETASO ''Where stories live. Discover now