Chapter 49

1.1K 34 14
                                    

- Althea -

Nakaupo ako sa ibabaw ng aking kama. Naka indian sit habang hawak ang photo album na ginawa ko noon. Punong puno ito ng mga larawan namin ni jade. Mula nung 4th year highschool, summer breaks, mga bakasyon kasama ang pamilya ko, college years hanggang bago ako lumipad pa America.

Ang saya saya namin sa bawat larawan. Puro kulitan at kumikinang ang mga mata habang nakatitig sa isa't isa. Binuklat ko nang binuklat ang bawat pahina ng dati naming makulay na pagmamahalan. Nasa ganitong estado pa ako ng pumasok si sophia.

'' ate kanina ka pa tinatawag ni tatay hindi ka ba kakain? '' tanong nito sa akin.

'' bababa na lang ako mamaya '' tipid kong sagot habang pinagpapatuloy ang ginagawa. Lumapit at tumabi sa akin si Sophia.

'' ate okay ka lang? '' tanong niya matapos ang mga tantya ko ay dalawang minuto niyang pagkatitig muna sa akin.

Hindi ko inangat ang aking ulo. Nalito ako bigla sa isasagot ko.

'' may girlfriend na siya sophia '' saad ko.

Hinawakan ng kapatid ko ang aking kamay.

'' Ate matagal kang nawala. Napagod na rin siguro si ate jade aaattt ....... '' napabuntong hininga siya '' nag asawa ka na ''

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Hindi naman umimik ang kapatid ko. Sinamahan niya ako sandali para lang manggulo. Sa bawat pagbukas ko ng isang pahina ay isang komento lang ang naririnig ko.

'' Ate mas pangeeet ka dito '' ulit na naman niya sabay tawa ng malakas.

'' ako ang kapatid mo dito, pero kung alipustahin mo ako ah. Laglagan lang sophia?! '' kunwaring asik ko, natawa lang naman ito.

'' totoo naman kasi. Baba na nga ako ate, sunod ka na rin ha ''

'' Oo mamaya na, not hungry pa. ''

Lumabas na siya ng kwarto. Pagkasarado pa lang ng pintuan ay may tumulong luha sa aking mga mata, at nagpatuloy ito habang kinakausap ko ang litrato ni jade.

'' do you really love her lablab? '' ngumiti ako ng mapakla.

'' does she love you back kagaya ng pagmamahal ko sayo? '' at isang patak ng luha na naman ang bumasa sa larawan na hawak ko.

Pinunasan ko ang tubig na pumatong kay jade. Eksakto pa na pumatak ito sa mukha niya.

'' ayyy baka magkasipon ka, bawal mabasa ''

Nararamdaman ko ang sobrang pangungulila sa kanya. Gustong gusto ko siyang yakapin ng napakahigpit. Gusto ko siyang halikan at kausapin ng buong magdamag, kumustahin ang naging takbo ng buhay nya ngayong isa na siyang ganap na doktor.

'' kumusta ka na talaga jade? '' bulong ko sa sarili ko.

Kakalipat ko pa lang sa sunod na larawan ng may tumatawag sa cellphone ko. Dinampot ko ito na nasa tabi ko lang naman para sagutin. Si wila.

'' Hello wila? ''

'' woy ex totoo nga nandito ka na, akala ko fake news.Namiss mo ako noh kaya umuwi ka! '' 

'' RETASO ''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon