Chapter 18

1.1K 50 2
                                    

Althea :

'' ganito yan haluin jade '' kinuha ko ang itlog sa kanya. Anak mayaman talaga maging ang pag bati' ng itlog ay hindi marunong.

'' sige na nga ikaw na lang ang gumawa manunuod na muna ako '' nagsalumbaba ito sa mesa.

'' ganito, hawakan mo yung tinidor tapos mabilis mo siyang igalaw in a circular motion para agad na humalo ang kapulahan sa kaputian '' ginagawa ko habang nagsasalita.

'' see? ngayon it's mixed na '' saad ko at pinakita ko sa kanya.

'' oo nga noh, haha I thought mahirap pero mahirap pala talaga '' tumawa na naman siya. Para siyang bata na namangha sa nakita.

Napangiti na lang din ako dahil ang cute ni jade. Sabado ngayon at pumunta siya dito sa bahay. Nabobored daw siya sa kanila kaya tumambay dito sa munti at mainit naming tahanan.

'' goodmorning mga anak '' bati ni tatay na kakauwi lang mula kahapon.

Nag overnight pa kasi sila matapos ang isang buong araw na pagmasa ng semento, malapit na din matapos ang ginagawa nilang gusali at may time span lang kaya mas doble ang oras na ginugugol nila ngayong mga panahon.

'' tay magandang umaga din po ''

'' goodmorning po tito '' bati ni jade at nagmano din matapos namin.

Kasunuran ni tatay si nanay na kakatapos lang maglabada kay aling teodora na kailangan mangupahan para sa paglaba dahil sa stroke na sinapit niya last week. Ang payat ni aling teodora pero ayun inabot ng malas, nagpabaya kasi sa katawan eh. Hindi purke payat ay hindi na pwedeng mastroke, ngayon lesson learned na siya.

'' nandito na pala ang pinakamaganda kong asawa '' sweet na saad ni tatay kay nanay at humalik sa noo.

Halata pa rin sa mga magulang namin ang pagiging inlove sa isat' isa. Hindi pa rin sila nagsasawa na iparamdam ang kanilang pagmamahal.

'' ikaw talaga '' at may mumunting kurot na natanggap si tatay kay nanay.

'' nandito pala si jade, kumusta iha? '' tanong ni nanay, lumapit si jade at nagmano.

'' okay naman po, kayo po? ''

'' eto kakatapos pa lang maglabada, mas lalo kang gumaganda iha '' pagpuri pa niya.

'' ay hala di naman po eh '' nahiya pa si jade at napahawak sa magkabilang pisngi.

'' napaka humble naman ng batang ito '' dagdag pa ni tatay.

Nagkakatuwaan pa kami ng dumating si tito dante.

'' ate nandito ka na pala, at may bisita pala tayo, si ganda '' tawag niya kay jade, mabuti naman at hindi siya nakagamit ngayon. Yumuko naman si jade bilang tugon.

'' hala hindi pa ata kayo nag aagahan kumain na tayo '' aya ni tito ng inilapag na ni andres ang niluto ni sophia na ampalaya na may itlog at ang hamon na dala ni jade, ma expired na raw next day kaya dinala na niya kesa masayang at hindi mapakinabangan. Agahan para kay tito at tanghalian na sa amin.

Nagpatiuna na si tito dante na umupo, kasabay niya sina nanay at tatay maging si andres at sophia. Si buknoy ay nasa trabaho niya pa, umi extra sa pag papadyak kapalit muna ni tatay dahil nga sa kakauwi pa lang niya ngayon.

Niyaya ko muna si jade sa labasan, ayaw ko rin na magstay sa bahay habang nandyan si tito dante, at total hindi pa kami parehong gutom.

'' where are we going althea? ''

'' basta, malapit lang naman yun. Don't worry akong bahala sayo ''

Walang ano ano'y kinuha ko ang kamay niya at hawak kamay na naglakad patungo sa destinasyon namin. Pigil naman ang kanyang pag ngiti, natuwa rin ako dahil hindi niya tinanggal ang pagkakahawak kamay namin. Mga ilang minuto pa ay nasa tapat na kami ng simbahan.

'' RETASO ''Where stories live. Discover now