Chapter 11

1.2K 48 2
                                    

Althea :

'' tsong hanggang ngayon patingin tingin ka pa rin sa malayo diba close na kayong dalawa '' naramdaman ko na tumabi sa akin si batchi at sumunod si greg na dala na naman ang gitara niyang bagong bili.

Pinagmamasdan ko si jade na nasa kabilang dako ng eskwelahan kasama ang dalawa niyang kaibigan. Like most of the times, nagsusulat na naman siya at pokus sa ginagawa.

'' lakas ng tama ah '' nilingon ko si greg na nagsalita. Magtitipa na sana ito ng gitara pero inagaw ko.

'' mas malakas ang tama nito sa ulo mo kapag hinambalos ko 'to sayo '' biro ko. Kamot ulo naman ang gwapitong si greg.

Alam nila na gusto ko si jade, para silang cctv dahil lahat ng galaw ko ay alam nila. Nilaro ko na ang gitara. Gumawa ito ng mahinang tunog, ang musika na saliw ay ang mga liriko na pinakaunang ginawa ko para kay jade nung makuha ko ang kwaderno niya na punong puno ng mga tula.

Sandali pa lang kami nagtutugtugan ng dumating si basty kasama si wila na may bitbit na isang flyer.

'' oh ex, good news '' inabot niya ito sa akin. Binasa ko naman kaagad.

'' may patimpalak sa kabilang barangay, solohan yan. Sayang kung grupo pwede na tayong lahat sumali. Tsk.... althea go ka? ''

'' OO NAMAN!! kelan ba 'to? '' di ko mapigilan ang excitement.

'' sa sabado '' sagot ni basty.

'' Sigurado mananalo ka dyan tsong, I believe in you '' dagdag ni batchi.

'' sus wag nga kayo baka matalang, contest ito so maraming sasali na mas magagaling pa ''

Lumapit si wila at umakbay sakin. Naasiwa ako kaya tinanggal ko agad. Napa ismid na lang siya at binalya sa basurahan ang zest-o na kanina niya pa nginangasab.

'' naks galing magpa shoot ah !! '' pumalakpak pa ang lokong si greg. Baliw talaga.

'' magaling talaga ako greg itong si althea my loves lang ang ayaw shu-mooot sa puso ko ulit, tsk '' kumandong pa ito sa akin.

'' ano ba wila umalis ka nga dyan '' tinulak ko siya kaya kaagad naman tumayo.

'' my loves naman kung natumba pala ako sa pagtulak mo ay di wa-poise na ako '' nginuso niya ang para na naman duguang mga labi niya.

'' basta althea sali ka, suportahan ka namin '' si basty.

'' oo na sige sige, hindi niyo ako kailangan pilitin sayang din ang limang libo noh. ''

'' yun!!! '' nag apiran kaming lahat. At napadapo na naman ang mata ko sa kanya.

Matapos ang klase ay lakas loob kong nilapitan si jade. Kasama nito si mia at eloisa.

'' jade!! '' tumigil silang tatlo at hinintay akong makalapit sa kanila.

'' oh althea ''

'' hi ''

'' may kailangan ka ba? ''

Hindi ko na mapatigil ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Mukhang hindi ito masasanay na maging ganito sa tuwing kaharap ko si jade.

'' ano kasi kasi, ano... ''

'' kasi??? '' si jade.

Lalo tuloy akong kinabahan dahil nakatingin din yung dalawa sa akin. Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Hinawakan ako ni jade  sa braso.

'' althea bakit? ano ba yun? '' naramdamdaman niya siguro ang pagdadalawang isip ko sa pagsabi sa kanya. Mukhang nakalma naman ako kahit papano sa init na hatid ni jade sa katawan ko, napadako pa ang mata ko sa kamay niya kaya tinanggal niya ito na parang napaso.

'' RETASO ''Where stories live. Discover now