Chapter One

495 39 11
                                    

Zed Montoya

KINAGAT KO ANG mansanas saka ngumuya. Sinukbit ko nang maayos ang backpack na binili ko sa Herschel outlet. Bumaba ako nang bumaba sa hagdan hanggang sa makalabas ako ng apartment building. Tumigil ako sandali sa sidewalk at tumingala sa langit. Wala pang ulap ngayong umaga. Litaw ang blue sky at lumipad ang mga ibon sa taas. Saka pa lang sumisikat ang araw, tumatama sa salamin ng kaharap kong mga building. Iniwan ko muna ang bisikleta ko sa loob ng apartment. Maaga pa at gusto ko sana maglakad sa paborito kong siyudad sa buong Narra Island.

Ganito kaganda ang Narra Island:

May unloading/loading signs na talagang sinusunod ng bus at jeep drivers. Electronic pa ang lahat ng behikolo. Kaysa gasolinahan, makikita mo ay recharching station. Parang clockwork ang drivers—hindi nagdadalawang isip sumunod sa batas. Sa sobrang organized ng public drivers sa siyudad, kaunti lang ang rumorondang traffic enforcers. Sayang daw sa pondo. Kasi lahat ay sumusunod sa batas.

May designated area sa kalsada ang bikers. Complete attire ang bicyclists: helmet, close shoes, dry shirt at shorts. Totally safe.

Rush hour na ngayong umaga, abala ang mga tao sa pagpasok sa kani-kanilang opisina at school pero wala kang makikitang traffic sa kalsada. Ang mga tao, naglalakad sa sidewalk. Bumababa sila sa subway na abot ang buong siyudad ng Anghela at Narra City, pati na din sa Pradelle Town Municipality. Kahit saan ka pa nakatira, kahit saan ka pumunta, pwede mo itong lakarin sa subway. Basta sundin mo ang exit points, hindi ka maliligaw.

Sa ilalim ng subway, naroon ang train system na abot din ang lahat ng siyudad at municipal sa Narra Island. Konektado ang train sa Pradelle International Airport. Kaya dito sumasakay ang mga galing sa airport, pati na din ang mga late ng gising na hindi aabot kung sasakay ng bus at maglalakad sa subway. Pero sobrang mahal ng ticket.

Ganito kami sa Narra Island. Malayo sa Metro Manila. Milyonaryong Pilipino at foreigner, makakatabi mong sumakay ng bus at jeep, kasama mo maglakad sa subway.

Dumaan ako sa loob ng Anghela Recreational Park. Linya-linya roon ang food truck na pinipilahan ng mga customer. Nagbebenta sila ng breakfast ngayon. May nakasalubong akong bumili ng pretzel. Ang iba, matapos kumain, tinapon sa biodegrable at non-biodegrable ang pinagkainan.

Bumubuka ang bulaklak dito sa park, nilalaparan sila ng paru-paro.

Mas madalas ang street musicians at street dancers sa Anghela Recreational Park kaysa sa homeless people at street children. In fact, ganoon din sa buong isla. Kung isa kang pulubi sa kalsada, lahat ay titingin sa gawi mo kasi bihira lang kami makakita ng ganoon dito sa isla. May shelter para sa mga katulad nila, pinopondohan ng mga private sector bilang foundation. Siguro maganda ang serbisyo, kasi minsan lang kami makakita ng namamalimos.

Gutom na ako. Gusto ko sana kumain sa McDonald's at Starbucks kaso ang branch lang nila sa Narra Island, nandoon sa bayan ng Pradelle. Inggit ako sa Manileño. Bawat kanto ng kalsada nila, may nakatayong branch ng Jollibee. Dito kasi wala. Ang mga kainan dito, pulos overpriced restaurants ng mga Pilipino. Overpriced kasi maganda ang quality ng ingredients—lahat ay organic. The closest fast food we had here were being sold in food trucks na siyang nandito sa Anghela Recreational Park ngayong umaga. Gumagala ang food trucks sa buong isla.

Hinaharangan ng tatlong mayor ng Narra Island ang malalaking korporasyon tulad ng Ayala at SMDC na pumasok dito sa isla. Ang shopping malls namin dito ay dalawa lang. Ang shopping mall ng Narra City ang pinakamalaki at magarbo—ang Old French Village. Ang ambiance kasi niya ay parang 1700s French Village. Lahat ng imported at mamahalin na tindahan, doon makikita. Pero mas mabenta ang shopping mall dito sa Anghela City kasi lahat ng micro business, nandoon. Simple lang at mura. Lahat, nasa loob ng malaking building at may air conditioner.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon