Chapter Twenty-Six

161 23 0
                                    

Charmaine Pradelle

LUMITAW ang buwan matapos dumaan ng maitim na ulap. Ito ang una kong nakita matapos ko lumabas sa mansyon ni Lolo. Agad kong nilabas ang susi ng kotse. Matapos makita na sumunod sa likod ko si Zed Montoya, hinubad ko ang sapatos at kumaripas ng takbo.

Pinindot ko ang susi at pumasok sa loob saka binuksan ang makina. Lumingon ako sa gawi niya. Humarurot agad ako palabas ng estate.

Tumingin ako sa rearview mirror pero wala na si Zed kung saan ko siya nakitang nakatayo.

Nilabanan ko ang pagbagsak ng luha habang tinatahak ang kahabaan ng Pradelle Boulevard.

Ang traydor... Gagawin ako ni Zed na katulad ni Dion. Hahayaan niya akong manood habang siya...

Pinalis ko ang luha at pumasok sa Old French Village. Iniwan ko ang sasakyan sa parking lot at tumakbo sa loob ng shopping village, walang saplot sa paa.

Dama ko ang mainit na aspalto. Matulis sa paa ko ang dumi na naroon. Tumingin ang mga tao sa gawi ko kasi ako lang ang tumatakbo sa lugar kung saan dahan-dahan ang buhay ng mga tao, namimili at nagpapahinga. Tanaw ko na ang clock tower. Bukas ang ilaw nito at pinapakita ang tamang oras. Saktong alas otso na ng gabi.

Pinaspasan ko ang takbo hanggang sa marating ko ang TWG Tea. Pumasok ako at binati ng mga empleyado. Gulat sila matapos makita ang madumi kong paa at luhaang mukha. Hindi ko sila pinansin. Dumiretso ako sa elevator, in-scan ang card, pinindot ang floor button, at umakyat. Sa oras na sumara ang pinto ng elevator, saka ko pinakawalan ang galit. Sumigaw ako nang malakas at uulitin ko sana kung hindi lang bumukas ang pinto ng elevator at nakita ko ang babaeng nakatayo sa malaking orasan.

Dahan-dahan, lumakad ako palabas at sinuri ang babae.

May suot siyang puting bestida at black Converse sneakers. Wavy ang kaniyang buhok at hawak niya ang bote ko ng champagne. Hindi niya namalayan ang presensiya ko dahil tutok ang attention niya sa labas ng bintana. Ang tangging bukas na ilaw ay galing sa liwanag ng malaking orasan, tumatagos at tumatama sa loob ng kwarto.

"Excuse me?" pagtawag ko sa attention niya, "There must be some mistake. This place is a restricted area."

"You can shoot all the bluejays you want, if you can hit 'em," sabi ng babae, "but remember it's a sin to kill a mocking bird. Great passcode you have there, Charmaine. I've met Harper Lee days before she died. She was a wonderful woman, that I could say." Humarap siya sa akin. Kahit tumalikod siya sa liwanag, kita ko ang detalte ng mukha niya.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?"

"Hindi na siguro ako mahihirapan magpaliwanag sa 'yo. Lalo na't dinala ka ni Zed Montoya sa aming siyudad," ngumiti siya at lumakad papunta sa akin, "Kaibigan ako ng nobyo mo. Tulad mo, gusto ko siyang mabuhay nang mas matagal."

A witch from the clouds...

"Tawagin mo akong Europa. Di tulad ni Montoya, wala akong plano na lokohin ka."

"Gusto mo akong tulungan na iligtas siya? Nandito ka ba para patayin ako?"

Wala siyang sinabi at tinignan ang cross-stitched frame ng Queen of Diamonds. "I only have one question for you. And I will know if you lie."

"A mind reader... You're a pure blood witch?"

"I do the questions here, sweetie," tumingin siya sa akin at ngumiti, "When was the first time you met Zed?"

"Almost four months ago. Sa opisina. Unang araw ko."

Ngumiwi siya. "Hmmm... So you don't remember, huh? Ooopsy."

"Remembered what?"

"Almost four months ago was not the first time both of you saw each other. And sweetie, Zed lied to you. He's not destined to die because of you. In fact, he didn't die because of you."

Lalong kumunot ang noo ko sa narinig. Alam ni Zed ang tadhana ko matapos niyang basahin ang aking mga palad. Sa unang araw na pumasok ako sa loob ng opisina, alam niya. Alam niyang nalalabi na ang mga oras niya.

"Nah!" umiling si Europa, "You didn't call his bluff, sweetie. He's not exactly telling the truth. Nothing else will kill him because he's fated death has passed. And he survived. You see, Zed is an immortal. It has been six years, at least. Being an immortal will give him power to change fate, and rewrite someone's stars. Including yours."

Sinasabi ba niyang immortal si Zed katulad ng apat na salamangkero sa Permanent Members ng Counsel of Power? At dahil immortal siya, kaya niyang baguhin ang tadhana ng iba, ang tadhana ko.

"Yes, Charmaine. I'm glad you understood. He is immortal. Zed will be the fifth Permanent Member. Unless he make it happen, he may fall on his death like a suicide. And I'm not ready to give him up."

Yumuko ako at tumingin sa mga daliri ko.

"And for you... I know what your destiny is all about."

"Yeah? How would you know?" tinignan ko siya, "Hindi mo pa binabasa ang palad ko. Sa tingin ko, ngayon lang tayo nagkita. Kasi kung ipapahawak ko ang kamay sa iba, maalala ko."

Ngumiti si Europa. "I'm a witch, and I have plenty of ways to know. So do you want me to tell your future or not?"

"Baka lalong masira ang tadhana ko kung sasabihin mo. 'Pag hindi ko gusto, tiyak, babaguhin ko iyon."

"Doesn't really matter," umiling siya, "You know why? You're already a Jinxed the moment you met him. Sweetie, you're not supposed to be here on this room right now with me. As far as destiny is concerned, Zed is already dead. And whoever he touches, he ruins. Here's another the fact: in the grand scheme of all things, you're going to spend the remaining days of your life alone and sad."

Remaining days of my life?

"Five months from now, it will finally come to your senses that you're tired of melting more golds. Tatakas ka. Bibili ng plane ticket at lalakad sa loob ng Pradelle International Airport. Wala kang ibang bitbit kundi ang sarili mo. Matagal mo nang gustong gawin iyon pero hindi papayag si Don Henriko na tumira ka mag-isa malayo sa pamilya mo. Kaya sa mismong araw na lilipad ka papuntang Japan, ikaw ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Pero sa mismong araw na 'yon, babagsak ang eroplano at maglalaho sa Pacific Ocean."

Bumagsak ang mga balikat ko.

"Well wasn't it nice? Zed knew that plane crash was your destiny. And Romeo did his best to steal away your death and rewrite your stars."

"I'm going to... Five months from now... And he ruined that?! Why?! Bakit niya sinira ang tadhana ko?"

Humikab si Europa, inip na inip. "Take a good guess, Juliet. Why would Romeo do that?"

Choose love, I remembered him saying to me.

"This is beyond love!!" umiling ako nang marahan, "Ayaw niya maging immortal. Anong tingin niya sa akin? Charity case? Gusto niyang magpakamatay!!"

Inabot ni Europa ang bote ng champagne. "Sa dinami ng lugar na titirhan ni Zed, pinili niya ang isla kung saan ka niya makikita. Hindi ikaw ang unang nagmahal sa inyong dalawa. Matagal ka na niyang tinitignan sa malayo. Buksan mo ang bote, malalaman mo na patas lang kayong dalawa. Sinira niyo ang tadhana ng isa't-isa."

Inangat ko ang kamay at kukunin ang bote pero bigla itong binawi ni Europa.

"Wait. I just want you to remember that I came here to save him. Not you." Blangko ang mukha, inabot ulit ni Europa ang bote na siya ko namang tinanggap.

Buksan ko daw ang bote at malalaman ko. Anong malalaman ko? 

Black CatsWhere stories live. Discover now