Chapter Nineteen

195 27 4
                                    

Charmaine Pradelle

INAASIKASO ni Dr. Charles Jimenez sa loob ng silid ang buntis kasami si Dion Pradelle, ang asawa ni Kareena.

Si Dr. Jimenez ang aming family physician—isang Filipino at dito siya mismo nakatira sa loob ng Pradelle Estate, asawa siya ni Tita Olivia pero wala silang naging anak. Alam niya ang tungkol sa sikreto ng aming pamilya.

Bakit buhay pa rin si Dr. Jimenez hanggang ngayon at naroon sa loob ng kwarto, dinideliver ang baby ni Kareena? Well, it was self-explenatory. It was a marriage which gold had binded, and not necessary love. Alam niya na iba't-ibang anim na lalaki ang ama ng apat na anak ni Tita Olivia at hindi magiging siya kahit kailan kasi baog siya. But no hard feelings there. Kahit mag-asawa sila, tumitira si Dr. Jimenez sa mansion ni Lolo. Hindi sila nagsasama sa isang kwarto. Para sa Doktor at kay Lolo Henriko, security status ang kasal niya kay Tita Olivia para tuluyan siyang maging parte ng aming pamilya.

Being such a horrible person inside and outside, difficult to love, could save your life if you hang around with us. Katulad ni Dr. Jimenez, mabubuhay ka sa loob ng Pradelle Estate ng hanggang 28 years. Siya kasi, talagang hindi papayag na walang parte sa ginto na makukuha ngayong gabi kay Kareena. He would have 15 kg of 24 karat golds as payment.

"Edna, have you forgortten to apply sunscreen? It will be too hot inside the workshop later."

"But Papa I hate lotions. It feels sticky on my skin," yumuko si Edna, "Can I go back to bed now? I'm sleepy."

"You're a big girl now, remember? We're teaching you a significant family tradition." Lumuhod si Tito Apollo para tapatan ang level ng anak niya. Binigay niya kay Edna ang heat-resistant gloves, apron, at face shield.

Lumapit si Ariane at inabot ang sunscreen. "Here you go, Papa. Put this on Edna."

"Ah! Thank you, Ariane. Edna? What would you say to your older sister?"

"Thanks, Ate Ariane." Kinuha ni Tito ang bote at tinulungan si Edna maglagay ng sunscreen.

Naka-upo ako sa mahabang leather ottoman, halukipkip, habang pinapanood si Edna at ang papa niya. Last month, nakikita ko pa siyang maglaro ng Barbie Dolls. Pero ngayon, tuturuan na siya kung paano magtunaw ng ginto.

Halos kompleto ang buong pamilya sa labas ng clinic ni Dr. Jimenez, inaayos ang kanilang apron at gloves.

Tulog na ang mga katulong. Nilagyan ni Tita Olivia ng sedative drugs ang pagkain ng mga trabahador sa estate para hindi kami magambala sa aming tradisyon ngayong gabi.

"Charmaine?" Lumapit sa akin si Mama, bitbit ang traditional clothing ng mga Pradelle: heat resistant gloves, apron, boots, at face shield, "You forgot your gear." Umupo siya sa tabi ko.

Kami pa mismo ang personal na magkakalap sa mga ginto ni Kareena. Wala akong maalalang pagkakataon na pinasa namin ang pagtutunaw ng ginto sa ibang hindi kapamilya. It was some sorth of respect for the dead, some sort of burial. But instead of watching the coffin being buried six feet under the ground, we watched them glowing while being poured on the mold, cooling off, casting them into bars, and keeping them safe inside the bullion vault—untouched and sound.

"Your Lolo Henriko is glad that we are almost complete. Excect for the young ones—they are fast asleep. He's quite excited for Edna tonight. Look at him standing in the door with his cane, watching all of us wait for Kareena."

"That smile on his face. I wish he would at least pretend he have a morality left in him like ordinary humans." Tinagis ko ang bagang habang pinapanood ang aking Lolo Henriko.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon