Chapter Twenty

189 28 11
                                    

Charmaine Pradelle

GUMISING ako matapos maamoy ang butter na tinutunaw sa frying pan. Kumukurap, lumibot ang tingin ko sa buong paligid. Pumapasok sa bintana ang liwanag ng araw, tumatama sa puting pader at kama. Walang air conditioner sa kwarto. Bukas ang bintana at umihip ang hangin papasok, ginagalaw ang kurtina. Maliit lang ang kama. Bachelor's bed.

Umupo ako at kinusot ang mga mata.

Ito pala ang itsura ng apartment ni Zed Montoya: red bricks ang mga pader, at blue carpet floors. Patung-patong sa sahig ang mga libro, linya-linya, at ang pinaka mataas na stack ay umabot ng six feet. Sa tapat ng kama, nakita ko ang sofa. Doon siya natulog kagabi at lukot ang kumot at unan na naroon. Tulad ko, mukhang kagigising lang din niya.

Sa gilid ng kama, tumingin ako sa digital clock. Ang sabi, 9:52 na ng umaga.

Kung tutuosin, mas malawak pa ang personalized home theather ko sa Pradelle Estate kaysa sa kabuuan ng apartment ni Zed. Sobrang liit lang. Hindi ako naniniwala sa gender stereotypes pero kailangan kong sabihin na makalat at madumi ang apartment ni Zed. Maalikabok.

Ayos lang. Kahit mukhang Smokey Mountain ang bachelor's apartment niya, tumatanaw ako ng utang na loob dahil pinatulog niya ako dito. Ayoko bumalik sa Pradelle Estate.

Kagabi, pinahiram niya ako ng pajama blouse at pants. Maluwag sa akin kaya kailangan ko tiklupin ang manggas at sumasayad ang laylayan ng pajama sa carpet.

Puno na ang kulay ng susunod na bilog sa pulsuhan niya. Tinanong ko siya kagabi kung maayos ba siyang naka-uwi sa bahay niya.

"Napahamak ako sa kalsada kagabi," sabi niya, "Bumangga sa puno ng balete ang kotse ko. Wala pala akong suot na seatbelt. Kaya tumilapon ako sa windshield sa lakas ng impact. Duguan ako at naghihingalo."

Duguan daw at naghihingalo... Clearly, joke lang iyon kasi naabutan ko siyang nagsisipilyo ng ngipin, suot ang pantulog niya. Wala kahit isang galos sa katawan niya.

"Totoo 'yon! Naaksidente ako kasi patay na patay ka sa akin."

Inismiran ko nga siya. Seryoso talaga ang mukha niya. Straight face. Walang bahid ng biro.

Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa bahanyo para ayusin ang sarili ko. Pagkatapos, lumakad na ako sa pinto ng bedroom at hinawakan ang doorknob.

Lalabas na sana ako kaso nakita ko ang poster na nakasabit sa pinto. May roleta sa gitna ng poster. Ang sabi sa title head: Oh, The Places You'll Go! ni Dr. Seuss. Colorful ang pamilyar na illustration, trademark ng author. Sa ilalim ng roleta, nakasulat ang quote:

Congratulations!

Today is your day.

You're off to great places!

You're off and away!

"What?" napangiti ako, "Isn't he too old for this?" I knew the poem. Binasa ko 'to noong bata pa ako. Hindi ko siya maintindihan noong 6-years-old ako. Binalikan ko lang siya matapos ko gumraduate ng high school saka ko lang naintindihan. Sinulat ng author ang poem bilang advice para sa matatanda. Hindi para sa mga bata.

Tinignan kong mabuti ang roleta. Hinahati ang bilog sa limang kulay. Red for Apartment. White for Boracay. Green for Olympus Shopping Center. Yellow for Chicago, Illinois. Blue for Bird House. Nakaturo ang roleta sa red, apartment.

Ano 'to? Naalala ko kagabi, mayroon ding ganitong poster sa front door ng apartment.

Curious, inikot ko ang roleta at sa bawat pag-ikot ng arrow sa mga kulay, nagbabago ang ihip ng hangin at liwanag sa gilid ng pinto. May nasagap akong mga ingay sa labas na papalit-palit habang umiikot ang roleta.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon