Chapter Three

261 33 8
                                    

Zed Montoya


Three months after...

PININDOT KO ANG send button sa email matapos kong isulat ang letter para sa donors sa Geneva, Switzerland. We just finished a Skype call. Sinundan namin ang oras ng Pilipinas, 10:00 PM at 5:00 PM sa kanila. Sinend ko via email ang minutes ng aming conversations. Pumayag sila sa ASEAN project proposal na sinend ko sa kanila last month. It was a project worth of millions. Pinag-isipan nila nang husto ang interest nila at ang budget allocation sa plano na sinubmit ko. Madami silang pina-edit kaya isang buwan pa bago nila ako binigyan ng go signal.

Ang sakit ng buong katawan ko kahit nandito lang naman ako sa office, nakaupo buong araw sa harap ng computer. Tumingin ako sa time and date ng desktop. It was already 10:39 in the evening. Lumayas na silang lahat, iniwan nilang bukas ang mga ilaw kasi nandito pa ako. Preferred ko ang overtime. Ayokong dinadala ang trabaho sa bahay kung hindi kailangan. I always associate my bachelor apartment with fun and play, and it was lame to add work ambiance in it. Tatamarin ako.

Kanina pa ako nagsusulat sa email. Hinilot ko ang mga daliri, sinandal ko ang likod sa swivel chair. Gamit ang hintuturo, hinaplos ko ang pulsuhan sa kaliwang kamay, dama ko ang tibok ng pulso.

Saka ako natigilan. Kumunot ang noo ko.

Tatlong bilog. Pare-parehas ng sukat at laki. Walang kulay sa loob nila.

Bigla ko tuloy naalala. Pamilyar ang tatlong bilog sa pulsuhan ko. Makakalimutan ko na sana kung hindi ko lang nakita ulit ngayon. Parehas kami ng Project Assistant na si Danica na nagkaroon nito two years ago.

First time ni Danica noon sa office. Iyon pa ang mga panahon na palaging pumapasok sa opisina si Andrew Pradelle araw-araw bilang full-time employee. Tapos isang araw, bigla na lang kami nagkaroon ng tatlong bilog ni Danica sa pulsuhan. Kagat daw ng maliit na hayop, sabi ng dermatologist na pinuntahan namin. Kaya binigyan kami ng ointment. Lagyan daw namin every three hours.

Habang tumatagal ang peklat sa balat ni Danica, nagkakaroon ng kulay itim ang unang bilog sa kaliwa—napupuno na parang baso na sinalinan ng tubig. Kumikirot pati kapag kumakalat ang itim sa hugis—dumadaing si Danica dahil mababa ang pain tolerance niya. Buong-buo ang kulay. Walang lagpas sa linya.

Kaso bago pa mapuno ang kulay sa bilog, biglang naglaho ang tatlong hugis sa pulsuhan naming dalawa ni Danica. Umatras bigla. Effective siguro ang ointment na bigay ng derma kasi biglang nawala ang tatlong bilog sa pulsuhan namin. Hindi na bumalik.

At heto na naman siya ulit sa balat ko. Baka habang tumatagal, magaya ako sa kaso ni Danica noon. Talaga kayang masakit kapag tuluyang kumalat ang itim sa loob ng mga bilog? Gaano kahapdi? Mataas ang pain tolerance ko.

Surely, I would never mind. 

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon