Chapter Twelve

187 24 4
                                    

Charmaine Pradelle

UMUULAN nang malakas. Ang patak ng ulan, rinig sa bubong ng tindahan ng Malolo Distillery. Kumagat na ang dilim dahil pasado alas sais na, dagdag pa na maitim ang ulap.

Bukas ang fluorescent light sa tindahan, pero namamatay-matay ito dahil sa kulog ng kidlat.

Mahaba ang check list ni Niki Earle, gusto ng step-by-step procedure ng distillation, anong quipment daw ang gamit, gaano ka-advance, packaging, at kung anu-ano pa. Pinakita sa amin ni Dante ang pagluluto ng lambanog sa distillery chambers. Tuloy, inabot kami ng buong magdamag.

"Wala namang bagyo ngayon," paliwanag ni Dante, "Ang sabi sa radyo kanina, habagat lang iyan."

Kampante si Zed na umuupo sa bar stool ng tindahan. Dinadaldal niya si Richard, naglalaro sila ng baraha.

Ako lang ata ang nag-aalala. Sa lakas ng ulan, tiyak na mataas ang alon sa dalampasigan. Kung mataas ang alon, hindi maglalabas ng clearance ang Pradelle Port para...

Na-udlot ang agam-agam ko nang makita si Kuya Leroy, tumigil ang minamaneho niyang SUV at bumaba. Hawak ang payong, tumakbo siya papunta dito sa tindahan ng lambanog. Sumilong siya at sinara ang payong. Pinapunta ko siya sa Pradelle Port para kausapin ang driver ng private yacht.

"Miss Pradelle," sabi ni Kuya Leroy, "Pasensiya na po. Mataas ang alon at hindi pinayagan ang yate na maglayag hanggang bukas ng umaga."

Lumapit ako kay Zed. "Well, looks like we can't cross over the Narra Strait. We'll be stuck in Lucban until tomorrow morning." Saka lang binaba ni Zed ang baraha sa counter at tumingin sa akin.

"Pwede kayong tumuloy sa bahay-kubo namin," paanyaya ni Richard, "Kasama ko doon ang dalawa kong kapatid na babae."

"Oo," dagdag ni Dante, "Ang bahay-kubo nila Richard ang pinaka maluwag sa mga bahay dito. Pwede kayo magpalipas ng gabi doon. Kasyang-kasya kayong dalawa."

"Nakakahiya naman po," sabi ko sa kanila, "Pwede kaming maghanap ng hotel sa bayan mismo ng Lucban. Siguro naman, mayroon silang vacancy."

"Miss Pradelle," sabi ni Kuya Leroy, "Buti naman po at sinabi niyo, nagpareserba na ako ng dalawang kwarto sa Hotel Lucban. May kasama na pong breakfast."

"Zed?" hinintay ko ang sasabihin niya.

"Wag na. Parang mas gusto kong matulog sa bahay-kubo ni Richard. Kasya naman pala tayo sa kanila."

"But we might bother them."

Hinarap ni Zed si Richard. "Maiistorbo ba namin kayo ng mga kapatid mo?"

"Hinde! Ano ka ba? Sabado bukas. Doon na kayo magpalipas ng gabi para hindi na kayo magsayang ng pera."

Saka siya lumingon sa akin. "We're not bothering anyone. Let's stay here and save money. Come on! It's gonna be fun."

Hindi pwede. Kung sakali, ilang tao ang mayroon sa loob ng bahay-kubo? Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Makakasama ko ang ibang tao na hindi ko kadugo sa loob ng isang maliit na spasyo sa isang gabi. Saan nga ba ako allergic? Human affection. You never knew with these emotions. They bite without you even knowing.

"I can't stay here, Zed. We should book hotel rooms for the three of us. You, me, and Kuya Leroy."

"Iyan ba talaga ang desisyon mo?"

"Yes."

"Okay. Kuya Leroy and you should just go ahead. Dito na lang ako magpapalipas na gabi, kasama sina Richard at iba pa. Sabay kami kakain ng dinner. Masarap ang luto ni Aling Marie."

Bumagsak ang mga balikat ko. "Okay. We'll just pick you up in the morning?"

Nagkibit-balikat si Zed. "Sure." Iyon lang at bumalik na siya sa baraha niya.

Ganoon lang?? Hahayaan niya ako sumugod sa ulan at sumakay sa kotse? Wala lang sa kaniya? Babalik lang siya sa paglalaro ng baraha kasama si Richard? Wala akong pake, pero...

"Okay. Bye, then." Gumiyak na ako pag-alis, nagsabi ng paalam sa kanila. Ngumiti sa akin si Dante at Richard. Tumalikod na ako at sumunod kay Kuya Leroy. Binuksan na niya ang payong.

Amoy ko pa din ang suka at toyo sa mga daliri ko matapos kumain ng pakamay kaninang tanghali. Kahit anong hugas ko, hindi mawala. And I didn't really mind the savoury smell trapped on my fingers. It was like an evidence that I tried something I had never done before—that I was brave enough.

Ano kayang iluluto ni Marie mamayang hapunan? Sama-sama ulit silang kakain sa dahon ng saging? Pakamay?

Kamukha ba ni Richard ang mga kapatid niyang babae? Ang sabi sa akin ni Mama, naranasan na niya matulog sa isang bahay-kubo. Sobrang presko daw. Lalo na sa umaga. Sariwa ang papasok na hangin sa bintana.

Kakwentuhan ni Zed mamayang gabi ang buong manggagarit sa hapag, pati na din si Richard at ang mga kapatid niya. Anong oras kaya siya makakatulog kung panay daldalan sila?

Medyo nabasa ako ng tubig ulan kahit pa payungan ako ni Kuya Leroy. Naputikan ang hiking sandals ko. Ginamit niya ang flash light para liwanagan ang dadaanan ko. Hanggang sa tumigil kaming dalawa sa backseat, binuksan niya ang pinto, at hinintay ako na sumakay. Pagbukas niya ng pinto, amoy ko kaagad ang lemon air freshener, at kita ko ang komportableng leather seat.

"Miss Pradelle?" sabi ni Kuya, "Sakay na po kayo."

Ito siguro ang pinagdaanan ng tito, tita, pinsan, at lolo ko. Tulad nila, para akong insekto na gusto lumapit sa apoy. Ang magarbong kwarto na tutulugan ko mamayang gabi, nagmukhang kulungan sa isip ko. Kinatatakutan ko.

Hinawakan ko ang pinto at binalibag pasara. "Ayoko, Kuya. Dito na lang po ako matutulog ngayong gabi."

Ngumiti siya. Ewan ko kung anong iniisip niya. Pero ngumiti si Kuya Leroy. Tumango. "Sige po, Miss Pradelle. Dito na lang po ako sa kotse matutulog."

Tumakbo ako sa ulan, pabalik sa tindahan ng lambanog. Dumikit ang tela ng damit ko sa balat matapos nito mabasa. Bumibigat ang bawat hakbang ko pabalik, sumasakit ang lalamunan ko sa bara. Pumasok ako sa loob ng tindahan at naabutan ko siyang naglalaro ng baraha kasama si Richard at Dante.

"O, Miss Pradelle!" ani ni Dante, tumayo, "Bumalik po kayo?"

"May naiwan ka ba?" ani ni Richard.

Naglakihan ang mga mata ni Zed. Lumakad ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin at dinala ako sa sulok ng tindahan. Hinawakan niya ako sa mga balikat. "Ayos ka lang? Bakit ka umiiyak, Charmaine?"

Umiiyak nga ba ako? Ewan. Pero gusto ko magpalipas ng gabi dito, kumain ng hapunan kasama sila sa dahon ng saging gamit ang kamay, at matulog sa bahay-kubo kasama ang buong pamilya ni Richard, pati na din si Zed Montoya. Iyon ang gusto ko.

"I'm not crying. It was just raindrops trickling down my face."

"Alright. If you say so," with his thumb, he washed them away from my cheeks, "Why did you came back?"

Tinitigan ko siya nang husto bago ko sinabi, "Because I want to stay the night...here with all of you. If it is okay."

And he gave me that smile which did not make me feel small, bashful or weak for listening to the whims of my heart. No. His smile was the fire, and I was a moth attracted to it. Let my soul burn in the fires of hell for my sin, but I was staying the night with him, unapologetic for my feelings like they were nobody's business.

"Can I stay over? If it is okay," paghingi ko ng permiso.

"Why would it not be okay? Come on," hinawakan niya ako sa kamay at bumalik kami sa bar counter. "Puno na daw ang Hotel Lucban. Dito na lang siya matutulog," paliwanag niya kay Richard at Dante.

"Halika. Malapit na matapos sa kusina si Marie," sabi ni Dante, "Pritong itik ang ulam. May natira pang sinigang."

Ngumiti ako at umupo sa bar stool, pinalis ang luha sa mga mata ko bago pa sila tumulo. Nanood ako ng laban nila sa baraha. 

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon