Chapter Six

213 26 0
                                    

Charmaine Pradelle

"GUSTO MO BA umakyat ng puno?" tanong ko kay Edna, "Mayabong ang puno ng Narra. Ito ang paborito ni Lolo."

Naabutan ko ang bata na nakayuko sa damuhan, pinaglalaruan ang manika.

Maiksi ang gupit ng buhok ni Edna at may full bangs. Matangos ang ilong niya, malalim ang mga mata na kulay tsokolate, morena ang kutis, sobrang kapal ng kilay at buhok. Isang Nepalese ang nanay niya. Tulad ko, tatanda siya na kulang ang magulang. Hindi niya nakilala ang sarili niyang ina.

Saka lang siya nag-angat ng tingin. Ayaw magsalita.

"You know how to climb a tree, right?" ngumiti ako sa kaniya, "Tinuruan kita. Come on, Edna. Climb the tree with me."

Binitiwan ni Edna ang manika niya at saka tumayo, pinagpag ang bestida niyang asul. Parehas naming inalis ang sapatos at gumiyak ng pag-akyat sa puno.

Mataas ang puno ng Narra. Ubot ng bango ang dilaw nitong bulaklak na nahuhulog sa lupa na parang ulan at niyebe.

Ako muna ang na-una. Yumakap ako sa tangkay at umapak sa trunk saka ko tinulak ang sarili paitaas, hanggang sa narating ko ang paborito kong spot sa puno. Umupo ako sa makapal na sanga at tumanaw sa malawak na karagatan—tanaw ang isla ng Quezon Province at ang alon. Umihip nang malakas ang hangin, ginalaw ang buhok at hinalikan ako sa mukha. Pinanood ko si Edna na umakyat ng puno.

Tinuruan ko si Edna pati na din ang iba ko pang pinsan. Ang mga anak ni Tito Bryan at Tita Olivia, babad lagi sa gadgets. Ayaw maglaro sa ilalim ng araw kaya hindi marunong umakyat ng puno.

Maya-maya lang, katabi ko na si Edna sa sanga.

Sa aming ibaba, dumaan ang mga kapatid ni Edna na bata din. Naglalaro ng tumbang preso kasama ang yaya nila.

"You were once like them, Edna. So carefree and happy."

Silence.

"But that must change now," tinignan ko siya, "Sa tingin ko, alam mo na ngayon kung bakit kayo home schooled, kung bakit hindi kayo pinapayagan ni Lolo lumabas ng bahay hanggat hindi kayo 14-years-old. Dumaan din ako sa pinagdaanan mo. Nalaman ko kung paano mo nalaman. Like you, my age was ten when I finally understood. Our family is different."

Tears were filling up her eyes, and it broke my heart just a little to see them fall down like raindrops.

Simula't-sapul, pinagbawalan ni Lolo Henriko ang mga batang Pradelle na lumabas ng estate. Tsaka lang pwede lumabas kapag magaling na sila magtunaw ng ginto. Bakit? Bilang mga bata, marami silang gusto subukan. Hindi nila iniisip ang resulta ng kalokohan nila. Natural curious. Wala silang muwang na may nasasaktan pala sa tuwing nagmamahal sila.

Ang turo sa akin ni Mama, may kalakip na responsibilidad ang paglabas sa Pradelle Estate. Bantayan ko raw ang sarili ko para walang masasaktan. Wag daw akong tumulad sa mga pinsan ko at mga kapatid niya na iresponsable. Pumayag si Lolo Henriko na lumabas kaming mga apo niya para mag-aral sa Maynila at abroad kasi panatag siya na ligtas ang sikreto ng pamilya. Pinababantayan pa din kami ng mga security ni Lolo, para sigurado. Bawal ang bumukod ng tirahan. Pagkatapos mag-aral, babalik din kami sa Pradelle Estate.

"I should not be the one doing this, saying this to you. But I wanted to cheer you up. You haven't been eating properly since Ashalata was gone. I'm sorry. You're not supposed to see what happened to her."

"Ate Charmaine..." sabi niya sa wakas, "she's dead isn't she? Yaya Asha died that night."

"I'm sorry, Edna. I really am."

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon