Chapter Seven

235 30 7
                                    

Charmaine Pradelle

CROSS STITCH was love at first sight. Katherine taught me how to do it when I was 10-years-old and she was fifteen.

Ang tawag sa fabric ng cross stitch ay aida. Pronounced as eye-ee-da. Malaki ang butas ng kayarom nito. Customized ang wool thread na ginagamit sa cross stitch. Matagal ako bumili sa garment supply store dahil sa thread. Paborito kong kulay ang maroon at yellow—iyon ang madalas maubos sa akin.

Tapos na ang breakfast at nandoon silang lahat sa tennis court, naglalaro. Kasama nila si Lolo. Nakita ko siyang suot ang tennis shoes at bitbit ang raketa.

Wala ako sa mood maglaro sa ilalim ng araw. Nandito ako sa library, tinatapos ang sunset artwork na sinimulan ko habang pinapakinggan ang Symphony #25 G minor Allegro Con Brio ni Mozart. I loved listening to it while reading, writing, stitching, and basically anything. It made me feel like my life was a musical, making my ordinary activities likened the old black and white films of Charlie Chaplin. You should really try it.

Umuwang bigla ang pinto.

"And there you are! I told you, Tita Charmaine will be here, cooped up inside the old dusty library of Lolo Henriko," lumakad papasok si Pandora bitbit ang dalawa niyang anak na kambal, "Say hello to your Tita." Lumapit sa akin si Anna at Annalisa, ang 5-year-old identical twins ni Pandora.

Inalis ko ang headset sa mga tainga at binaba ko ang hawak na aida saka ngumiti sa mga pamangkin ko. Lumapit sila at kinuha ko ang kanilang mga kamay at doon sila hinalikan. Amoy peanutbutter chocolate ang mga daliri nila kahit hindi naman malagkit.

"Hello, youngins. I've missed you so," binalingan ko ang nanay nila, "Hello, Ate Pandora. You look so vibrant."

"I bring the sunshine wherever I go."

"Charmaine?" ani ni Rupert, asawa ni Pandora, "Why are you here? Everyone is playing tennis."

"I don't have that much energy saved lately."

"Really?" kunut-noong tanong ni Rupert, "Dora told me you are quite a pro."

"And she still is!" gagad ni Pandora, "Tinatamad lang talaga si Charmaine." Kasama niya ang buong pamilya niya dito sa Pradelle Estate. Hindi alam ni Rupert ang tungkol sa pamilya namin. And there was no need for him to know. His family was not affected. The least that Pandora could do for us was to keep her family secret.

Si Pandora ang panganay ni Tito Monty. Sumunod si Andrew, Helena, at Moxy. Pumasok silang apat na magkakapatid dito sa loob ng library. Kasama nila si Atlas at Efren.

"You guys?" ngumiti ako sa kanilang lahat, "This is my secret hide-out. Find another place. Sinong nagsabi sa inyo na nandito ako?"

Tumawa sila.

"Guilty," ngumiwi si Andrew, "They've been looking everywhere for you. Hindi ka nila naka-usap nang maayos sa breakfast table kanina."

"Well, at least Moxy has a better excuse, hiding from the sun. Albinos could not stand the heat in this country," aniya ni Helena, "She just recovered from her sunburn. Can you imagine? Moxy rode a Manila standard jeep."

"Really?!" bumaling ako sa pinsan kong albino, "Tama ba ang sabi ni Ate Helena? Sumakay ka ng jeep sa Maynila, Moxy? Oh, man!" ngumiwi ako, "Your cheeks are red all over. I thought you're blushing because of your husband."

Tumawa si Moxy. Sa lahat ng pinsan ko, siya na ang masasabi kong pinakamaganda. Kasing puti ng gatas ang kaniyang balat, kulay mais na buhok, halong asul at berde ang kaniyang mga mata. Bilang albino, malabo ang mata niya noong bata kami. Common sa albino ang mga duling kaya inaasar namin siyang ganoon dati. Buti naman at hindi malala ang kaso niya. She had her laser theraphy to cure her poor eyesight.

Black CatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon