Chapter 1

1.1K 19 0
                                    



Chapter 1


Napatingin ako sa kawalan. The radiant, traitorous sun shines at the bluish sea. Naaakit tuloy akong lumangoy. Kanina pa ako naghihintay matapos si Lolo Peter sa panghuhuli ng isda. Gustuhin ko mang tumulong sa kanya, ayaw niya. Kaya na raw niya. Napailing na lamang ako sa sagot ng aking pitongpu't taong gulang na lolo.




"Keely!"





Bumaling ako kay Lolo Peter. Buong pwersa niyang hinihila ang malaking lambat. Malamang ay isang malaking isda ang nahuli niya. Tumayo ako sa aking pagkakaupo mula sa dulo ng bangka at lumapit kay Lolo.





"Tulungan ko na po kayo," sabi ko.





Hinawakan ko ang lambat at buong pwersang hinila. Tama nga ang aking naging hinala. Isang malaking tuna ang nahuli ni Lolo Peter at sa aking tingin ay naghahalaga ng dalawang daan ang bawat kilo nito.






"Hawakan mong mabuti ang lambat. Dapat hindi makatakas ang isang 'to." Hila-hila ni Lolo ang mabigat na lambat.





Nilapag namin sa malaking palanggana ang nahuling tuna. Hinawakan ni lolo ang ulo nito, panay naman sa pumiglas ang isda. Nang masiguradong hindi na makakatakas ang isda, umupo si lolo sa isang kahon. Tumuwid ako sa pagkakatayo at nagpunas ng pawisang sa noo.





"Nice one, apo." Bumungisngis si Lolo.






Tipid akong ngumiti. "Tiyak na matutuwa si Lola, Lolo."






"Aba'y syempre naman. T'yak na mas ma-i-inlove pa ang iyong lola sa'kin. Sa aking kakisigan at kakayahang humuli ng mga isda, nabihag ko ang puso ng 'yong lola." Kwento niya.






"Talaga, lolo? E, pa'no niyo naman nagustuhan si Lola?" Tanong ko. Umupo ako sa tabi niya. "Sa mga kwento ni lola sa'kin, ang sabi niya'y marami raw mga chicks ang naghahabol sa inyo noon at mas maganda pa raw kaysa kanya. Kaya nagtataka ako kung bakit sa dinami - dami ng babaeng umaaligid sa inyo ay si Lola Soleng ang pinili niyo."






Tipid na ngumiti sa'kin si Lolo. "Apo, ang pag - ibig ay parang sugal 'yan. Hindi mo alam kung mananalo ka ba o matatalo." Napatingin si Lolo sa malawak na karagatan sa aming harapan.






Napatanga na lamang ako. Hindi ko pa lubos maintindihan ang nais sabihin ni Lolo. Sugal at Pag-ibig. Kapwa naman magkaiba ang kahulugan nila a? Napakamot ako sa ulo.






Pagkatapos naming makahuli ng mga isda, inihatid ni Lolo ang dalawang palanggana sa pier upang ipagbili. Habang dumiretso naman ako sa palengke upang ihatid kay lola ang ibang pang nahuli.






"Oh pancit! Pancit! Bente lang!"






Maingay akong sinalubong ng palengke. Sari-saring sigawan at hiyawan ang mga tindero't tindera sa kanilang mga binebenta. Dinaig pa ang megaphone sa lakas ng boses.





Dala ang dalawang timba ng bagong huling isda ni Lolo Peter, nagtungo ako sa kinaroroonang pwesto ni Lola Soleng.




May apat siyang costumer ng aking madatnan. Mukhang foreigner ang apat na lalaki. Lahat sila ay nakatingin sa mga wood instrument na gawa ni Lola. Bukod kasi sa pagbebenta ng isda, nagbebenta rin kami ng mga handmade instruments. Kadalasan ay gitara o 'di kaya'y mga tambourines na gawa sa kahoy at iba pa.






When Destiny's Failed Where stories live. Discover now