Chapter 30

359 9 0
                                    


Chapter 30: A Mother's Warn.

"Did you see Dylan Del Vega's new music video?"

Agad akong napatingin sa dalawang babaeng estudyante. Kapwa sila nakatingin sa kanilang cellphone. Kilig na kilig at halos magtampisaw.

"He is so handsome!" Tuluyan na silang tumili.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa aking classroom.

The next day went fast and smooth. Walang masyadong gulo ang nangyari sa buhay ko. Not that I want troubles. Mistulang nakahinga nga ako ng maluwag dahil dun.

My friendship with Dylan is back. Masaya na ako sa parteng 'yun. Sabay kaming kumain ng lunch. Ako rin ang nagmamaneho sa kanya kapag umuuwi na siya ng condo niya.

I wonder why he choice to live alone. But then, hindi ko na lang siya tinanong. We're friends. And I respect his private life.

"Keely," si Jane matapos ang huling klase namin bago maglunch time.

Bumaling ako sa kanya.

"Lunch tayo with Bruce and Leigh?" She invited.

Umiling ako. "Kayo na lang. May gagawin pa kasi ako."

"Tss..." she rolled her eyes with a smug smirked plastered on her lips. "Just make sure walang makakahalata sa inyo kung ayaw mong i-bash ng mga fans niya."

'Yun ang parating payo sa akin ni Jane. Hindi naman 'yun mahirap gawin. Pero kapag si Dylan? Mahirap siyang pagsabihan.

He is always impulsive and possessive. Kapansin-pansin ang mga titig niya tuwing nagtatagpo kami sa hallway. Kulang na lang ay matunaw ako sa paraan ng tingin niya. Kapag naman hinihintay ko siya sa kotse niya, mabibigla na lang ako dahil may nagnakaw na ng halik sa pisngi ko. He even tried to interwined our hands when once we are walking together in a busy street.

Mahirap. Mahirap magkaroon ng kaibigan-- o kung kaibigan ba ang tawag sa sitwasyon namin. Napailing ako. As in. Mahirap magkaroon ng koneksyon sa isang sikat na artista. Kailangan patago lahat ng ginagawa niyo kasi laging may nakabantay ng mga fans at paparazzi. Isang maling galaw ay maaring lumubog ang iniingatang career ng isang artista.

Things between a famous celebrity and a commoner nobody will always be secret. No one must know...

"What took you so long?" Nakasimangot na mukha ni Dylan ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa aming tambayan. Ang music room.

Umirap ako sa kawalan. "Mahal na prinsepe, marami po akong ginagawa kung inyong iisipin." I sarcastically remarked.

Siya naman ang umirap. Akmang hahalikan na ako sa pisngi. Pero agad kong ihinarang dalawang kamay sa matipuno niyang dibdib.

"Ops." Pigil ko. "Prensyip with benefits ka na sa lagay na 'yan a!" Biro ko.

"Seriously, Keely? What kind of game is this?"

Ngumisi ako. "Ito naman hindi makapagtimpi. Oh." Sabay lahad ko sa'king pisngi sa kanya.

Akala ko dadapo na ang mapupulang labi ni Dylan sa pisngi ko. But Dylan is Dylan. He's a fan of plot twist.

"Anak ng!"

Agad akong dumistansya matapos niya akong nakawan ng halik sa labi. It's just a peck. Pero Ang overacting masyado ng puso ko! I glared at him.

"Stop flirting with me, Del Vega!" I spat.

Tumawa lamang siya at hindi ako tinigilang landiin buong lunch time. Grabe. Ang landi ni Dylan. Mas malandi pa kay Bruce! Mukhang mahihiya pa ang mga langgam sawayin ang paglalandi niya sa akin.

When Destiny's Failed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon