Chapter 43

121 5 0
                                    


Hi! Series of updates for those who are stress academically! Laban lang guys! Two months na lang at summeeeer na!

Soundtrack for this chapter: Do I have to cry for you by Nick Carter.

Keep safe everyone!

Vote. Comment and be a Fan :) Happy Reading!

Chapter 43: Dylan's concert.

Muli akong napatingin kay Lola Soleng na determinado sa pinaplano at halos itulak ako palabas ng van. Abala si Jane sa isang tawag habang panay naman ang tipa ni Leigh sa kanyang laptop. Nasa driver seat naman si Bruce.

I sighed. "Lola, are you sure about this?"

Pasimpleng sumimsim si Lola Soleng sa binili naming frappe. "Hindi pa ako gumawa na bagay na alam kong mali, apo. Wala ka bang tiwala sa mabait mong Lola?"

"Hindi naman po sa ganoon." I whispered in defeat. "Kaya lang..." tumingin ako sa labas. "Natatakot ako sa posibleng mangyari."

Maraming mga fans ni Dylan ang nakapila sa labas. Lahat sila ay may hawak na tarpulins o 'di kayay mga umiilaw na banner. May iba pang may bitbit na lightstick. Kita - kitang ko ang tuwa at excitement sa mukha nila.

Dylan Del Vega is really popular huh?

Hinawakan ni Lola ang kamay ko. "Apo, labis ang pagsisisi ko no'ng pinigilan ko si Kasandra na ipaglaban ang pagmamahal niya kay Jacob. Isa ako sa humadlang sa pag - iibigan ng dalawa. Isa ako sa maysala kung bakit hindi sila nagkatuluyan." Malungkot niyang wika. "Kaya, ayaw kong maulit muli ang pagkakamali ko. Makinig ka, Keely. Hanggat may pagkakataon ka pa upang ipaglaban ang nararamdaman mo kay Dylan. Risk it. 'Di baleng masaktan ka kaysa habangbuhay mong pagsisisihan ang hindi pagsubok."

Napatitig ako sa kastyanong mata ni Lola Soleng. It reminds me of many tragic stories happen in the past. Una, ang kabiguan sa pag - ibig ng kanyang ina, si Lola Millie kay Rafael Casteel. Pangalawa, ang rason na humadlang sa pagmamahalan ni Lola Soleng at Julio Del Vega. Pangatlo, kay Tito Zel na namatay bago ang kasal nila ni Tita Helga. At panghuli, ang bigong kapalaran ng aking ina sa aking ama, na si Jacob Del Vega.

Remembering it, makes me sad and terrified. Gusto kong sumugal para sa amin ni Dylan. Pero... ang rason na iisa ang ama namin ang siyang pumipigil sa akin... para mahalin siya.

"Keely," Lola Soleen called. She softly tucked my loose hair on my ear. "Unang kita ko pa lamang noon kay Dylan, pansin ko na ang paraan ng pagtingin niya sa'yo. Ayaw kong humusga agad. Kaya lang, alam kong matagal ka ng gusto ni Dylan. Pinipigilan lamang niya ang sariling magsabi sa'yo. No'ng umalis siya. Nakita ko ang kabiguan sa'yong mga mata. Hindi mo man sabihin pero... alam kong pareho ang nararamdaman niyo sa isa't isa."

"Lola..."

Tipid na ngumiti si Lola. "Sa puntong ito, hindi ako hahadlang. Gawin mo ang sinisigaw ng puso mo, Keely. Naniniwala akong..." she holds my cheeks and softly brush it. "Hindi kayo magkapatid ni Dylan. Pawang kasinungalingan lamang ang pinaniwala sa inyo ni Amanda. Sa oras na gumising si Kasandra, tutulong ako na ayusin ang palpak na tadhanang ito."

Pagkatapos ng pag - uusap namin ni Lola Soleen, binigyan ako ng VIP standing ticket ni Leigh. Nagbigay naman ng paalala si Jane sa akin habang panay ang tulak sa akin ni Bruce papasok ng Stadium.

Bumuntong hininga ako nang tuluyang makapasok.

The dark stage is on it's lively vibe now. Halos puno na ang mga upper box seats. May kaunti na lang na bakante sa lower box seats at halos wala nang maupuan sa VIP seating section.

Ginaya na kami ng staff sa VIP standing section.

Each steps feels so heavy. The music adds frighten on my heart. Magkikita muli kami. Pagkatapos ng ilang linggo, masasaksihan ko muli ang una at huling lalaking nag - udyok sa akin upang labanan si Tadhana.

When Destiny's Failed Where stories live. Discover now