Chapter 19

224 9 0
                                    


Chapter 19:



Huminto ang sinasakyan kong jeep sa tapat ng matayog na building na may nakapaskil na 'MonteJewel'. Nang makababa ako, hindi ko mapigilang mapuna ang buong lugar.



Napakaganda. Sa mala - kulay ginto ba naman nitong gusali.


Pumasok ako sa loob. Binati agad ako ni Manong Guard. Ngumiti lamang ako sa kanya saka pumanhik sa fourth floor sakay ang elavator. Ang ganda at gara ng buong lugar. Ang kintab din ng marmol na sahig. Maging sa elevator ay nakakamangha rin. Mistulang bagong renovate ang buong gusali.



Nang makarating ako sa fourth floor, hinanap ko agad si Tita Althea. Dito kasi siya nagtatrabaho. Ayon kay Tita Althea, isa raw siyang head designer sa paggawaan ng alahas dito. Napanganga ako no'n nang sabihin sa'kin 'yun ni Tita. Nakakamangha nga, e.



My family's unique talent really run through our blood. Nakangiti ako.



Huminto ako sa tapat ng front desk.




"Hi po. Uh, sa'n po ba dito ang workplace ni Miss Althea Perez - Ocampo?" Magalang kong tanong sa babaeng front desk.



Tinignan niya ako saglit bago ngumiti. "May meeting pa si Miss Althea but you can wait there if you want." Turo niya sa sofa malapit sa malaking bintana ng gusali.



Tumango ako at napatingin sa hawak kong eco bag. Nakalimutan kasi ni Tita ang lunch niya. Hindi naman siguro ako gaanong ma - la - late since wala naman din kaming klase sa first period. May seminar kasing dinaluhan ang unang professor namin.


Umupo ako sa sofa.




Patingin - tingin ako sa buong paligid habang hinihintay si Tita Althea. The place screams luxury. Golden yellow at white ang motif ng buong paligid. Kumikintab ang kulay puting marmol na sahig at may isang higanteng chandelier sa gitna. The whole area is quite spacious. Siguro sa baguhang tulad ko ay paniguradong mawawala ako rito.



Natigil ako sa pagmumuni - muni nang marinig ang isang tawanan. Napabaling ako doon. Ganoon na lamang ang aking pagkagulat nang makita si Dylan... at ang ama niyang, si Jacob Del Vega.



Humigpit ang hawak ko sa dalang eco bag.


"DVG realty was featured in forbes and many other business magazine, again, Jacob. The company's net income increases too. This is an another success. Congrats, bro!" Masayang tumawa ang isang lalaking nakasuot ng corporate attire. I think that guy must be Ximen Anderson, Ken's dad.



"Thanks, Ximen. I'm happy for you also. Ang laki ng pinagbago mo simula nang magpakasal kayo ni Camille. From being a bastard jerk to responsible Chairman of Anderson Hotel Chain. Iba talaga ang nagagawa ng pag - ibig." Ani Jacob sa kaibigan.



Matamis na ngumiti si Ximen Anderson kay Jacob Del Vega. Tahimik naman sa tabi nila si Dylan na walang mababakas na emosyon. Pansin ko rin. Kanina pa patingin - tingin sa gawi nila ang ibang mga empleyado. Mapa - babae man o lalaki.



Those three guys are both handsome.



"Having her is the most beautiful blessings I have, bro." Si Ximen Anderson.

Makikita sa kanyang kumikislap na mata kung gaano niya kamahal ang sinasabi nilang Camille.


"By the way, kamusta na kayo ni Diana? Balita ko nasa Italy sila ng bunso mong si Jillian dahil sa isang shooting sa bagong pelikula?" Bumaling si Ximen Anderson kay Dylan. "What's with the silence, Dylan?"



When Destiny's Failed Where stories live. Discover now