Chapter 3

388 12 0
                                    


Chapter 3

I was desperately gasping for air when we reach the shore. Hila - hila ko si Bente Boy. He's uncouncious and his body is wounded. Ang bigat niya rin kaya nahirapan akong ihiga siya sa buhangin.





Pinahiga ko siya sa maputing buhangin. His eyes were peacefully close. May mga pasa siya sa mukha pati na sa braso at kaunti rin sa leeg. Hinawakan ko ang noo niyang kanina pa dumugo. I ripped the lower portion of my sleeveless. Tumayo ako saglit upang kumuha ng mga dahon na maaring pumigil sa pagdudugo ng noo niya.





Wala na ang mga lalaking humahabol sa'min. And I don't know kung nasaan na sila ngayon.






I carefully place the minced herbal plants on his wounded head. Kinuha ko ang punit na tela at pinulupot sa kanyang noo. Luckily, the blood stops from flowing. Nakahinga ako ng maluwag.






"Pinakaba mo ko dun, a, bente boy." Bulong ko.




Napatingala ako sa maliwanag na buwan. It's already midnight. Malamang kanina pa ako pinaghahanap ni Lola Soleng at Lolo Peter.  Baka ano pang mangyari sa kanila.






"Hmm..."





Napalingon ako sa lalaking kasama ko. Napahawak siya sa kanyang noo habang nakadilat ang isang mata. He looked at me, confused. Tumingin na lang din ako sa kanya.





"Stupid..." He whispered and looked away.





Aba, aba. "Your welcome." Umirap ako at tumayo.





Pinilit niya ring tumayo kaya tinulungan ko siya. Luminga - linga ako sa paligid. Malayo - layo ang bahay namin mula rito. Higit isang oras kung lalakarin.




"Uh, masakit pa ba ang mga sugat mo?" Hindi ako nakatingin sa kanya ng tanungin ko siya. "Kung gusto mo pwede kitang dalhin sa health center."





"I don't need that." Matigas niyang sabi.




Inis akong lumingon sa kanya. "Pwede ba. Kahit isang beses h'wag kang magmatigas. Kailangan mong magamot. Marami at malala ang mga sugat na natamo mo. Marami ring dugo ang nawala sa'yo."





We stayed silent for a minute. Nakatingin lamang siya sa'kin nang may blankong ekspersyon. I was also staring at him. The only difference is, I look worried while he look unconcern about his condition.






"Stop worrying about me. I'm a stranger to you. You know nothing about me. You have no idea who I am..." He almost whisper before he passed out.






Bumagsak ang kanyang mukha sa balikat ko. Napayakap ako sa kanya upang 'di mawalan ng balanse.






Napailing ako. "Sinong stupid sa'tin ngayon?" Mahina akong natawa.






Dinala ko siya sa bahay namin. Nais ko man siyang dalhin sa health center, nangangamba ako na baka pinaghahanap pa rin siya no'ng mga lalaki. Nagtangka kaming magsumbong ni Lola sa mga awtoridad pero pinigilan kami ni Lolo.





"Walang maitutulong ang mga pulisya sa batang 'yan. Batid kong maaring binayaran sila upang mapahanap siya." Sabi ni Lolo.






Si Lola Soleng ang gumamot kay Bente boy. Hindi pa rin kasi siya nagigising. Tinulungan ko si Lola na gamutin ang mga sugat ni Bente Boy. Marami siyang pasa sa buong katawan. Kinailangan pang pumunta ako sa bayan upang bumili ng bandage at mga antibiotics pati betadine. Ewan ko ba kay Lola kung paano niya nagawa ang mga bagay na 'yon. Hindi naman doktor si Lolo. Nakapagtataka. Pero siguro basic skill lang ng isang matandang babae?





When Destiny's Failed Where stories live. Discover now