Chapter 41

119 4 0
                                    

Vote. Comment and be a Fan :) Happy Reading!

Chapter 41: Love for whom.

"Keely, ano ba kasing ginagawa natin dito?" Naiinip na tanong ng batang Jane.

Bumuntong hininga ako. Malayang inaalon ng hangin ang maalon kong buhok. Tunog ng lagaslas ng paghalik na dagat sa buhangin ang nagpapabigay kalma sa paligid.

Bumaling ako kay Jane. "Mauna ka na lang sa palengke. Dito muna ako, Jane. May hinihintay kasi ako."

"Hinihintay?" Tumaas ang kilay niya sa pagdududa. "Sige... basta, dapat sumunod ka ha? Baka pagalitan pa tayo ni Lola Soleng at mag - alala naman si Tito Paolo."

Ngumiti ako kay Jane at tumango.

Ang batang ako, noon, ay naghihintay sa isang estrangherong kakakilala ko lamang. Iyong batang lalaki. Gusto ko siya sanang pasalamatan sa ginawa niya. At... siguro. Ang batang ako ay nais makasama ang gwapong batang 'yun.

Dalawang oras ang lumipas, ngunit ni anino ng batang lalaki ay hindi ko makita. Kanina pa umalis si Jane. Mag - isa na lamang akong naghihintay sa harap ng mga naglalakihang naka - daong na barko.

Dahil sa lamig na hangin at tirik ng araw, wala sa sariling hinaplos ko ang braso. Bigla kong naalala ang suot kong hindi angkop sa kasalukuyang lugar. Isang manipis na puting sleeveless na bestida at pares ng tsinelas ang suot ko. Simple at halata sa'king postura ang pagiging taga - isla. Dagdagan pa ang kulay ng balat kong morena.

Magugustuhan kaya ako ng batang 'yun?

Napailing ako sa iniisip. "Aish! Ano ba, Keely! As if magugustuhan ka no'n. Mukhang mayaman 'yun! Tsaka gwapo pa! Ikaw? Batang taga - isla lang naman!" Kausap ko sarili.

Naalala ko ang pangalan ng batang lalaki. Si Darren. My handsome prince charming. I giggled.

Ang lalim at ganda ng kayumangging mata niya. Matangos ang ilong at kasing pula ng mansanas ang labi niya! Shocks. Kapag ako lumaki aba! Aasawahin ko talaga siya!

Matamis akong napangiti sa aking imahinasyon.

"Who are you?" Isang malamig na boses ang kamuntikang nagpatalon sa akin. "And why are smiling like an evil witch?"

Evil what!? Lumingon ako sa kung sinong lapastangang uminsulto sa kagandahan ko.

"F.Y.I. hindi ako bruha! Prinsesa ako. Prinsesa!" Pagmamaktol ko.

Manghang napatingin sa aking ang batang lalaki. Ako naman. Mistulang na - estatwa sa nakita.

Owemji! Another pogi!

Umaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang batang lalaki. Kasing pogi niya si Darren! Kaso... mas nagmumukhang hindi pala - kaibigan ang isang 'to.

Siguro pinaglihi sa sama ng loob no'ng pinagbubuntis siya ng nanay niya. Mahina akong natawa sa isip.

"Sounds ironic," sabi niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Well, you're beautiful and... simple. Nothing more."

Aba'y!

"Hoy! Alam mo bang simplicity is pretty? ha! Kung makapang - lait akala mo mas gwapo kay Darren!"

Tumaas ang kilay niya. Maya - maya ay isang ngisi ang kumurba sa mapulang labi nito. "Kuya Darren?"

W-Wait. Kuya?

Taas noo akong tumango. "O at bakit?"

Dismayadong napailing ito. Pagkatapos ay matalim akong tinignan saka walang sabi umalis.

When Destiny's Failed Where stories live. Discover now