Chapter 8

259 7 0
                                    


Chapter 8



Lumabas ako ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin. Abala lahat ng mga kapitbahay namin sa paghahanda para sa pista. Oo. Today's the most awaited festival of the year! The Floating Lantern Festival! Exclusive from Batanes!





Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang mga ginagawang preperasyon. Sina Aling Bibing at ang asawa nitong si Mang Kadjo ay abala sa pagkakatay ng baboy. May iba pang nagsasabit ng kani - kanilang dekorasyon. At hindi mawawala ang ilang kalalakihang nag - iinuman. Tsk. Tsk. Kay aga!







I heard the door open. Bumaling ako roon at nakita si Dylan. His hair is disheveled. Halatang bago pa lang gumising. Mahina akong natawa nang humikab siya. He look at me with one eye close. Nagtaas din kilay. Cute!






"What's funny?" Aniya. Lumapit siya sa'kin at pinisil ang magkabilang pisngi ko.






"Aray ha!" reklamo ko.






Hinawi ko ang kamay niya. Kumunot ang noo ni Dylan. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Bigla siyang humikab muli kaya natawa ako.





"Do I look funny to you, Keely?" he asked.






Umiling ako at pigil tawa. "Hindi naman. Pero para kang bunny. Pft!"







"A bunny?"





Tumango ako. Umiling siya at bumaling sa ibang direksyon. He mumbled something pero hindi ko marinig. Muli akong humarap sa abalang mga kapitbahay namin.





I hope... today is going to be fine. I want to enjoy this day. I want to celebrate the festival without fear of getting trouble.






Pagkatapos naming kumain ng umagahan ay siyang pagdating nina Lola at Lolo. Kinuwento sa kanila ni Manang Gloria ang nangyari kahapon. Bagaman nasermonan kami ni Dylan, nagagalak pa rin sila dahil walang nangyaring masama sa aming dalawa.






Nang magbandang alas onse, napagplanohan naming maki - pista. Marami - rami rin kasing nag - imbita sa'min dalawa ni Dylan. Sinama namin si Khalil sa paglilibot sa bayan.






"Masaya ako at naparito kayo, Keely, Khalil." Masayang sabi ni Aling Marites. Napatingin siya kay Dylan at malawak na ngumiti. "At mas sasaya ako dahil sinama niyo ang napakagwapong binatang ito!" Kinikilig niyang turan.






Ngumiti ako. "Masaya rin kami Aling Bibing dahil inimbitahan niyo kami. Nand'yan mo ba si Lovely at Delia?" Tukoy sa dalawang anak niyang dalaga.







"Aba oo! Nang malaman nilang papunta rito itong si Dylan ay hindi na sila nagbalak pang gumala. Alam mo naman, Keely. Malakas ang tama kay Dylan!" Aniya. Kahit kailan ay napakabulgar nitong si Aling Marites. "Hiniling ko nga sa ating Patron na sana isa sa mga anak kong babae ang mapangasawa nitong si Dylan. Gusto kong may magandang lahi ang magiging apo ko!"







Napaubo ako ng malakas. Nang makabawi ay pilit na ngumiti ako at bumaling kay Dylan. Walang kareaksyon - reaksyon si Dylan. Hindi mo alam kung masaya ba o hindi. At nakatingin lang din sa akin ng may halong pag - aalala dahil umubo ako.





"Wah! Dylan!"







Biglang naagaw ang atensyon ko nang may tumili. Napabaling ako sa bandang hagdanan at nakita ang tumatakbong sina Lovely at Delia. Nang makalapit sila kay Dylan, agad silang kumapit sa magkabilang braso. Patago akong napangiwi.







When Destiny's Failed Where stories live. Discover now